Juliana Gomez, gustong makasama ang aktres na ito kung papasok siya nang tuluyan sa showbiz

by PEP Troika
Jun 24, 2018

JERRY OLEA: Nagsayaw si Juliana Gomez kasama ang government employees sa LGU Night ng Piña Festival noong Hunyo 22, gabi ng Biyernes sa Ormoc City Superdome (Leyte).


First time nagsayaw si Juliana in public sa Ormoc — chika nina Nelson Alindogan at Serg Llarina Jr. (ng Ormoc City Tourism Office) habang nagla-lunch kami noong Hunyo 23, hapon ng Sabado sa Milagrina restaurant.

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng ilang oras ay nagtungo kami sa Superdome para saksihan ang 2nd Ormoc National Open Dancesport Championship, kung saan kabilang sa mga panauhin sina Mayor Richard Gomez, Congresswoman Lucy Torres-Gomez, at Vice Mayor Leo Carmelo ‘Toto Jr.’ Locsin.



Continue reading below ↓


Habang abala sina Mayor Goma at Ma’am Lucy sa awarding ay inusisa namin si Juliana kung magsyota na ba sila ni Marco Gallo ng PBB.

“No! We’re just friends!” mabilis na tugon ng dalagita.

Sa Setyembre ay magde-debut na si Juliana.

Continue reading below ↓

Aabangan namin kung si Marco Gallo ang last dance niya.

Hindi kaya si Marco Gumabao na kaibigan din niya?

Sina Marco Gumabao, KC Montero, Tony Labrusca at McCoy de Leon ang celebrity guests sa koronasyon ng Miss Ormoc 2018 sa Hunyo 28, gabi ng Huwebes sa Superdome pa rin.

Judges sa timpalak sina Ariella Arida, Laura Lehmann, Sophia Senoron, Ali Forbes, at Arnold Vegafria.

NOEL FERRER: Nakakapanibago lang na makita si Juliana na isa nang dalaga at napag-uusapan na ang mga plano niya sa buhay.

Gusto niyang kumuha ng kursong Mass Communications at magtuloy pa ng pag-train sa filmmaking abroad dahil gusto niya talagang maging involved behind-the-cameras.

Although hindi rin niya isinasara ang pinto sa pagpasok sa showbiz, gusto raw niyang makasama ang kanyang ama na si Richard Gomez at kung posible matuto kasama ang isang mahusay na aktres tulad ni Bea Alonzo.


Continue reading below ↓


Nang tanungin namin si Juliana kung open siya sa pagpasok sa pulitika tulad ng kanyang mga magulang, ang sabi niya ay mas serbisyo publiko ang gusto niyang gawin, beyond politics.

At nang tanungin namin kung anong klaseng debut ang gusto niyang maganap sa Sept. 8 ngayong taon, ang sabi ni Juliana, simple lang—may pagtulong sa kapwa at komunidad, at may simpleng party rin na ritwal na pagpapasalamat niya sa mga magulang niya at mga kaibigan.

Continue reading below ↓

“Trust me, it’ll be cool,” sabi ni Juliana.

Nang ipaalala namin na kapareho niya ng birthday si Mama Mary, ang sabi lang niya, “pareho naman kasi kami,” sabay turo sa kanyang Nanay na si Lucy Torres-Gomez na nasa stage pa ring namamahagi ng mga certificates at medalya sa mga sumali at nanalo sa Dance Sport Competition.


Continue reading below ↓

GORGY RULA: Naalala ko may isang IG live dati si Mayor Goma na tinukso niya si Juliana kay Marco. Mukha namang boto sila kay Marco. Pero sa totoo lang, hindi pa rin siya handang magka-boyfriend ang unica jiha nila.

Pero heto ang tanong; totoo bang may malaking pagbabago aa political career ng mag-asawa?

Ang narinig naming usap-usapan, sa Congress na raw tatakbo si Mayor Goma dahil tapos na ang term ni Cong. Lucy na Mayor naman daw ang tatakbuhan. Bale magpapalit lang daw sila?

Malalaman natin yan sa October.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results