Joross Gamboa, binati ang kaibigang si John Lloyd Cruz sa kanyang 35th birthday

by PEP Troika
Jun 24, 2018

JERRY OLEA: Hiningan namin si Joross Gamboa ng message kaugnay ng ika-35 kaarawan ng kaibigan niyang si John Lloyd Cruz ngayong Linggo, Hunyo 24.

“Hello, bro! Happy birthday!

“Ang wish ko sa birthday mo ay good health para sa iyo at sa iyong family.

“And keep God in the center of your family and you will never go wrong in anything,” sabi ni Joross nitong Linggo nang tanghali sa bahay nina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa Ormoc City.


Continue reading below ↓

Magiging ninong ba siya ng panganay nina John Lloyd at Ellen Adarna?

“Ay! Nasa kanya naman yon! Hahaha!” masayang halakhak ni Joross, na nasa cast na ng FPJ’s Ang Probinsyano.

If ever, kasama kaya siya sa entourage ng kasal nina John Lloyd at Ellen?

“Ay, sa akin naman, sana! Sana, magkaroon!”

Isa si Joross sa celebrity guests ng ongoing Piña Festival ng Ormoc City.

NOEL FERRER: Ang saya lang dito sa Ormoc dahil puno lang ng pagkakaibigan at pagmamahal ang mga dumalong mga artista for Goma and Lucy.

At pawang masasaya ang magagaling at down-to-earth na mga aktor na nandito tulad nina Goma, Edgar Allan Guzman at ito ngang si Joross Gamboa na nagpaunlak ng pagbati para sa 35th birthday ni John Lloyd Cruz.

In fact, meron nga sana silang bagong pagsasamahang pelikula dapat.

Pero sabi ni Joross, hihintayin niya si Lloydie bago magawa yun.

Continue reading below ↓

To JL, deserve mo yan katahimikan at saya ng pribado mong buhay.

Nandito lang kami na susuporta sa anumang susunod mo nang mga gawain lalo na sa pagpapalawig at pagpapaunlad ng iyong sining at buhay.

Happy birthday Lloydie!!!

GORGY RULA: Hangad na nga natin ang katahimikan ni John Lloyd kaya tigilan na natin siya.

Kahit sa social media ay jung June 11 pa ang huling post niya at di na ito nasundan.

Nagung private na rin ang IG account ni Ellen. Kaya di na sila gaanong nasubaybayan.

Pero ang dami pa ring nagtatanong kung babalik pa sa pag arte si Lloydie.

Kailangan na niya sigurong magsimulang magbanat ng buto dahil magiging Daddy na siya.

Totoo bang kailangan pa nyang ipapagamot ang Mommy niyang maysakit?

Tatanggapin kaya ang aktor sa kanyang mother studio?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results