Jolo Revilla, nag-post ng "get well soon" message para kay Jodi Sta. Maria

by PEP Troika
Jun 24, 2018

GORGY RULA: Hindi natuloy si Jodi Sta. Maria sa mall show niya kaninang hapon para sa promo ng Sana Dalawa ang Puso.

Nag tweet itong hindi siya makakarating dahil may sakit daw siya.

Si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang unang nag-comment sa post ni Jodi.


Continue reading below ↓

Lahad ng kanyang mensahe: "Get well soon."


May mga nag-react na natuwa dahil may concern pa rin daw pala siya sa dating girlfriend.

Tinanong ko si Jolo kung may komunikasyon pa sila ni Jodi dahil sa comment niya sa tweet na iyun ng Kapamilya actress.

"Huwag na," sagot sa akin ni Jolo.

Continue reading below ↓

Kapag tungkol kay Jodi ang kinukulit namin, ayaw na niyang magsalita.

Nilinaw lang niya sa akin na yung mga pinu-post niya sa kanyang Twitter at Instagram account ay hindi tumutukoy sa isyung pinagdadaanan nila ni Jodi.

Kaya nag tweet din ito kahapon, June 23, ng "It's not about her. Please don't assume."


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Kahit mag-ex na ay grabe pa rin naman ang pinagsamahan nina Jodi at Jolo kaya asahan natin ang mabuti pa ring pakikitungo nila sa isa’t isa.

Sana ganu’n na nga lang palagi—panay positivity na lang at suportahan, wala na lang nega at kokontra sa pagiging maayos nila.

JERRY OLEA: At least, andiyan pa rin ang malasakit ni Jolo kay Jodi.

Kung may mga hugot man si Jolo, hayaan na lang muna natin.

Hangad natin na maging magkaibigan pa rin ang mag-ex—nagrerespetuhan, nagsusuportahan.

Good vibes lang!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results