Joel Cruz, pito na ang anak mula sa Russia

GORGY RULA: Ifinorward ni Joel Cruz sa PEP Troika ang text sa kanya ng abugado niya sa Russia na si Konstantin tungkol sa kanyang ika-pitong anak.


Heto ang kabuuan ng text na natanggap namin:

“Dear Joel, My most sincere congratulations! You have just became father of a lovely boy!

"Both your son and the surrogate are OK.

“Please let us know the full name of your newborn son.

“Thank you for all your trust and concern in our team!

“God bless you and your growing family! Best personal regards.”

Zeid daw ang ipapangalan ni Joel sa pampito niyang anak na idinaan sa surrogacy sa Russia.

Isinilang ito noong June 23, 2018.

Yung anim na anak ni Joel ay pawang kambal, at itong huli lang ang hindi nabuong kambal.

Yung unang kambal ni Joel na sina Prince Sean at Princess Synne ay isinilang noong September 2, 2012.

Ang pangalawang set na kambal na sina Prince Harry at Prince Harvey ay isinilang noong October 23, 2015.

Ang panghuling kambal niya ay sina Charles at Charlotte na iniluwal noong May 24, 2017.

Charles & Charlotte, 1 year & 3 day old with daddy Joel

A post shared by Joel Cruz (@joelcruzaficionado) on

Kaya meron na siyang limang lalaki at dalawang babae.

Kahapon, June 24, ay tumulak na patungong Russia si Joel para tingnan ang kanyang bunsong anak.

After a month pa raw puwedeng ibiyahe pauwi rito sa bansa.

Pinag-iisipan pa raw ni Joel kung ito na ba ang huli o magdadagdag pa siya ng anak dahil ang gusto raw sana niyang magdagdag ng babaeng anak.

NOEL FERRER: Children are always great blessings. Kaya naman congratulations kay Joel Cruz sa pagkakaroon na naman ng bagong anak.

Pero kasama nito ay ang responsibilidad, hindi lang materyal, pero psychological, spiritual, at lahat ng pangangailangan ng bata.

Dasal namin na magampanan ito ni Joel nang maayos at ito na ulit ang bagong redefinition ng isang pamilya!

JERRY OLEA: Congrats, Joel!

Hopefully ay magampanan mong mabuti ang pagiging magulang sa mga iyong anak!

Hindi biro ang magpalaki ng pitong bata, na hindi nagkakalayo ang edad.

Interesting malaman ang kahihinatnan ng makabagong pamilyang ito!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN