Lucy Torres-Gomez, umaasang magkaroon ng reunion movie sina Sharon at Richard

NOEL FERRER: Nitong fiesta ng Ormoc na aming dinaluhan, ang ganda ng nangyari dahil pati na ang aking nanay-nanayan sa industriya na si Megastar Sharon Cuneta ay nagpaabot ng magandang mensahe para kay Congresswoman Lucy Torres Gomez at kay Mayor Richard Gomez.


Kami man kasi ay hangang-hanga sa nagawa nila sa kanilang lalawigan.

Imagine, ang dating madilim at walang buhay na lugar ay biglang naging economic center na may tatlong malalaking malls na nagsisilbi na sa kanila at food parks sa labas lang ng kanilang plaza at events center.

Naging public din ang mensahe ni Sharon na ito: “The beautiful Ormoc Rep. Lucy Gomez! Kung tiga-Ormoc lang ako talaga, ikakampanya at iboboto ko sila ni Richard.

"They love Ormoc and their people so much, and their beautiful hearts for service have been running at full speed.

"They are so perfect together, not just physically but also in having only the sincerest intentions to help.

"God bless you two! @lucytgomez @richardgomezinstagram."

Nang makorner namin finally ang sobrang sipag at aligagang si Congresswoman Lucy over late dinner sa Mimay’s Restaurant habang kumukuha siya ng masarap na laksa, na-touch siya sa mensahe ni Shawie at sinabing, “Hi Sharon, Thank you for your beautiful message. I appreciate it.

"I hope one day, you and Richard make a movie again soon because you two are oh-so-magical together.”

Calling the Star Cinema group, especially our dear Inang Olive Lamasan, sana naman you consider doing a Sharon-Goma movie again.

We’ll have a separate item on Goma’s prospective projects for the MMFF.

Pero bukod dun, meron pa namang ngayon hanggang March para may magawang pelikula with a very formidable team up of Richard and Shawie!

Sorry pero humohopia talaga ako!

GORGY RULA: Sa totoo lang, gusto na rin ni Mayor Goma na bumalik sa pag-arte.

Pero mahirap daw talagang isingit ito sa kanyang trabaho bilang alkalde ng Ormoc.

May mga alok nga sa kanyang mag-soap pero hindi raw kakayanin dahil dapat nasa Ormoc siya lagi.

Hindi kakayanin kung every other day na taping sa Maynila.

Posibleng magka-pelikula at gustung-gusto niyang makatrabaho uli si Sharon.

Inaasahang next year ay mapapanood na tayong pelikula ni Mayor Goma na malamang sa Star Cinema naman iyan.

JERRY OLEA: Abril 1998 nang una kaming makarating sa Ormoc City para sa coverage ng kasal nina Richard at Lucy sa Saints Peter & Paul Parish Church ng lungsod.

Namangha kami sa pagbabalik namin nitong weekend para makisaya sa kanilang 2nd Piña Festival.

Iyong baybayin pa lang ay ibang-iba na sa dami ng establishments.

Patuloy ang paglago ng lungsod.

Priority ni Mayor Goma na panatilihing ligtas ang kanyang nasasakupan.

Mula noon hanggang ngayon ay kontrang-kontra siya sa droga.

Isinusulong ni Mayor Goma ang sports at cultural events upang malayo sa bawal na gamot ang kanyang constituents.

Katuwang siyempre ni Goma ang kanyang butihing maybahay.


More & more ang investments ng mga negosyante.

Kamakailan lang nagbukas ang Robinson’s Mall sa lungsod (kaya meron nang mga sinehan), at tinatayang early next year ang opening doon ng SM Center.

Bakit kamo pumapasok ang mga negosyo sa Ormoc?

“We made it easy for them!” nakangiting bulalas ni Ma’am Lucy.

Ang highlight ng dancesport championship (June 23, Saturday, sa Superdome) at streetdance showdown (June 24, Sunday sa plaza) ay UNITY DANCE.



Sabay-sabay nagsayaw ang lahat ng contenders kasama ang mag-asawang Goma & Lucy, at nakiindak din ang anak nilang sa Juliana.

Nakakatuwang panoorin ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Ormoc!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN