Aktres, ipinamigay sa charity ang mga regalo ng ex-boyfriend na aktor

by PEP Troika
Jun 25, 2018

GORGY RULA: Bahagi na nga siguro ng pag-move on ang pagdispatsa ng mga regalong ibinigay ng magkasintahan.

Minsan ay nagkakasolian o kaya ipinamimigay na lang o kaya ibinibenta.

Pero maganda naman ang pagdispatsa ng kilalang aktres ng mga mamahaling regalo na ibinigay sa kanya ng dating boyfriend.

Mismong si boyfie ang nakadiskubre sa internet na idinonate ni aktres ang mga regalong signature bags, sapatos, at kung anik-anik pang mamahaling bagay sa isang kilalang charity group.

Ipina-auction doon na ang kikitain ay ibibigay lahat sa naturang charity group.

Sa halip na masaktan, natuwa si guwapong boyfriend dahil hudyat yun nang tuluyan na nilang paghihiwalay dahil ipinamigay na ni aktres ang mamahaling bagay na iniregalo niya rito.

At least napunta raw sa magandang purpose ang pagdispatsa ng mga regalo kesa isoli pa kay boyfriend.

Hindi kami sinagot ni boyfriend nang tinanong namin kung ano naman ang balak niya sa mga iniregalo sa kanya ng dating girlfriend.

Continue reading below ↓

Sa tingin ko kasi, parang wala siyang balak isoli o ipamigay dahil napapakinabangan niya ito sa pang-araw araw.

Sa tingin kasi ni boyfriend, malabo na talaga silang magkabalikan kaya wala nang itinira si aktres na mga bagay na nagpapaalala ng matamis nilang pagmamahalan.

JERRY OLEA: Magkabalikan pa kaya sila?

Mula Aparri (Cagayan) hanggang Jolo (Sulu), puwedeng maka-join sa subasta.

Ean, o kung idispatsa ang recuerdos de amor?

Susmarya!

Nasa puso ng binatang magiting ang magagandang pinagsaluhan nila ng kanyang liyag.

Bumitaw man ang babae sa binitiwang pangako, hangad pa rin ng binata ang kaligayahan nito.

Kaya para sa dating magsing-irog, ang aming dalangin...

May the power of love always be with you!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results