Female TV host na dating na-link sa isang kilalang pulitiko, nakapag-asawa ng yayamaning pulitiko

JERRY OLEA: Simple pero kaaya-aya ang ganda ng female TV host.

Sakto ang kanyang mga gawi, hindi diva-divahan.

Marunong siyang makisama sa mga katrabaho. Salat sa pag-epal.

Good vibes ang hatid ng kanyang mga ngiti, pati ng kanyang buhok na hindi nilalapastangan ng hair spray.

Kaya hindi na kami nagulat nang mahalina sa kanya ang pihikang puso ng makapangyarihan at yayamaning pulitiko.

Maging ang sikat at kontrobersiyal na aktres na kapatid ng pulitiko ay boto sa female TV host.

Ngunit hindi kinaya ng female TV host ang stress sa pagiging kasintahan ng pulitiko mula sa kilalang angkan.

Bago pa lang namumukadkad ang kanilang romansa ay natuyot na.

Nawala sa eksena ang female TV host na kumikilos ayon sa kanyang ganda.

Nagulantang na lang kami nang mabalitaang nakapag-asawa na siya ng isang pulitiko, na hindi man masyadong sikat ay yayamanin din.

Doña Señora na ang peg ng female TV host sa mga araw na ito.

Ang kanyang mga alahas ay keribels makipagkabugan sa mga alahas ng kanyang ex-future-sister-in-law na aktres.

Ang ex niyang politician ay wala pa ring asawa.

NOEL FERRER: Ay, nawaley na itong host na ito.

May pagka-entrepreneur din siya at alam ang kakapitan.

Pero nasaan na siya?

Sayang at popular pa naman ang mga kauri niya ngayon.

GORGY RULA: Dugong banyaga, pero pusong Pinoy itong si female TV host.

Ang bait niya sa kanyang mommy at ang sweet sa mga friends.

Nakipagsosyo iyan sa isa ring controversial male host sa isang restaurant sa Pasig, na parang nagsara na.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN