Erik, Jed, Mark sabay-sabay magse-celebrate ng 15 years sa showbiz

by PEP Troika
Jun 26, 2018

NOEL FERRER: Tatlong singers ang sabay-sabay na magse-celebrate ng 15 years nila sa industriya.

Mauuna na ang Star In A Million first grand champion na si Erik Santos na labas na ang tickets ngayon para kanyang MOA Arena This Is The Moment concert sa September 22.

Pagkatapos ay si Jed Madela naman ang may XV concert sa November 16 sa Araneta Coliseum, na susundan naman ni Mark Bautista sa November 28.


Continue reading below ↓

Pero bago niyan ay magbabalik-teatro si MacMac sa BGC Arts Center with 9 Works’ stage version of Eto Na! Musikal NApo , a musicale based on the songs of the Apo Hiking Society.

With Mark are mainly theater people with GMA artists Rita Daniela and Marika.

If ever, after Aegis, nagkaroon ng FrancisM, a musicale based on the songs of Sugarfree, pati rin songs ni Vehnee Saturno sinubukang gawing panteatro noon.

Ngayon, may musical based on Air Supply Songs and Eraserheads sa Resorts World Manila, ngayon APO naman.

Sinu-sino pa kaya ang susunod?

JERRY OLEA: Nagdiriwang din ng ika-15 anibersaryo sa showbiz si Sarah Geronimo.

Ang mga tunay at magagaling na mang-aawit at artista ay tumatagal sa industriya.

Marami ang nangangarap sumikat at magtagal sa entertainment world, pero piling-pili ang pinapalad!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results