Kobe Paras, sinupalpal ang nagsasabing kontrolado siya ng kanyang mga magulang

by PEP Troika
Jun 27, 2018

NOEL FERRER: Nasaan na ba si Kobe Paras?

Last thing we heard about him ay nagi-train siya bilang Cadet ng Gilas Team.

you either with me or against me ð???

A post shared by Kobe Lorenzo Forster Paras (@_kokoparas) on

Kilala si Kobe bilang may kakaibang outlook sa buhay. Kung dati’y nababalutan siya ng negativity, ngayon ay may conscious effort siyang magpaka-positive.

Ang sabi ni Kobe, “My whole life I've been wanting prove people wrong and I've come to a point where I've realized it's not helping.

"When I realized that I had to focus on my happiness and that of my family and friends, that's when I started being positive about things."

Kahit sa social media, iba na ang tono ni Kobe na puno lang ng positivity sa kanyang followers at #SpreadLoveShareHappiness ang gamit niyang hashtag sa tweets niya.

Nabanggit nga niya kamakailan, “Recently, I forgave my mom. That's one of the biggest things I've done in my life.

Continue reading below ↓

"It just made me realize that if you have hate inside of you, you're not going to be productive at whatever you do."

Ito na rin ang kanyang bagong mindset sa bagong chapter ng pagba-basketball.

Ngunit may bago na naman siyang tweet, ano kaya ang ibig sabihin nito at para kanino?

Ano kaya ang nag-trigger dito, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Magmula nang nakipagsundo sina Andre at Kobe sa mommy nilang si Jackie Forster, may mga naglalabasang isyu kaugnay dito.

Pero hindi namin ito napag-usapan ni Benjie Paras.

Iniiwasan na niya itong pag-usapan.

Ang mahalaga, sabi niya, okay na lahat at para malaman na rin ng mga taong di niya kinukontrol ang mga anak niyang makipag-ayos sa kanilang ina.

Nasa tamang panahon lang daw magkakaayos na ang lahat.

Kaya yung ibang kuwentong involved pa si Lyxen, ang stepmom nina Kobe at Andre, hindi na lang pinapalaki pa, para sa katihimikan na lang ng lahat.

Continue reading below ↓

Kahit si Jackie ay mukhang ayaw na ring magkaroon pa ng ganung isyu o gulo. Peace na lang.

JERRY OLEA: Sisingaw at sisingaw ang totoo.

Kaytagal na nagtiis ni Jackie, at ngayong nagkasundo na sila nina Andre at Kobe, pinili niyang manahimik.

Nanaig kay Jackie ang pagiging mabuting ina.

Ipinaramdam niya sa mga anak kung gaano niya kamahal ang mga ito.

Doon namulat si Kobe kung ano nga bang klaseng tao si Jackie.

Pakiramdam ko ay nanghinayang si Kobe sa maraming taon na galit siya sa kanyang ina, at ngayong natanto niya ang totoo, hindi na siya magpapadikta kanino man.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results