Mestisahing aktres at bayaw nito, nakarma sa ginawa nila noon sa gay comedienne

by PEP Troika
Jun 28, 2018

JERRY OLEA: Humagalpak nang sakdal taginting ang gay comedienne sa kanyang throwback tsika kaugnay sa mestisahing aktres na bumeso-beso sa kanya recently.

“Amplastik niya! Ha! Ha! Ha!” tawa ng gay comedienne. “Isa siyang echoserang kokak!”

Pinagpiyestahan noon ang eskandalosang intriga sa mestisahing aktres at BF nitong magaling na aktor.

Kahiya-hiya at kawindang-windang ang isyu na kesyo naospital ang magkasintahan.

Pinagbintangan ng mestisahing aktres ang gay comedienne na nagpakalat ng chika-chika.

Nagsumbong ang mestisahing aktres sa kanyang bayaw, na anak ng isang beteranong TV host.

Kinumpronta at tinampal ni bayaw si gay comedienne, na labis na natigalgal.

Ang magaling na aktor na BF, ipinagkibit-balikat na lang ang Isyu 101, kaya hindi lubos-maisip ni gay comedienne kung bakit nakisawsaw ang hitod na bayaw.

Sa paglipas ng panahon...

Iniwan ni magaling na aktor si mestisahing aktres, at ngayon ay maligaya ito sa piling ng sexy actress mula sa yayamaning pamilya.

Continue reading below ↓

Ang bayaw ay hiwalay na sa asawa nitong sister ni mestisahing aktres, at hindi maganda ang kanilang turingan.

Ang mestisahing aktres ay ngangey ang love life, at tila hindi malimot ang pag-ibig na nalasap sa magaling na aktor.

Ang gay comedienne ay sagana sa dilig mula sa mga lalaking minamahal at pinagmamalasakitan niya.

Hanash ng gay comedienne, “Digital na ang karma, naka-fiber optic pa!”

NOEL FERRER: Naku, sana ay pare-pareho nang naka-move on ang mga sangkot dito sa BI na ito.

Pare-pareho na silang masasaya dapat—except sa nagkampihang mestisahing aktres at bayaw na parang laging may pinagdadaanan.

Sana makahanap na sila ng permanenteng love life tulad ng magaling na aktor at gay comedienne (as in pa-girl talaga, ha)! Hahaha!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results