Mayor Richard Gomez, may offer na dalawang pelikula na pang-MMFF

NOEL FERRER: Pagkatapos ng kanilang napakasaya at successful na fiesta sa Ormoc, na todo ang suporta ng mga tao sa Pinya Festival at sa Miss Ormoc pageant last night, June 28, heto at nahaharap si Mayor Richard Gomez sa dalawang napaka-interesting movie projects na intended daw sa Metro Manila Film Festival.


Isa riyan ang adult drama movie with Derek Ramsay, Maja Salvador, and Arci Munoz under Star Cinema.

At ang isa ay cameo naman para sa pelikula nina Peque Gallaga at Lore Reyes.

Sayang at hindi ganun kadaling tumanggap ng movie project si Mayor Goma dahil kakailanganin niyang lumuwas-luwas pa sa Maynila para sa shooting.

Dream nga niyang sa Ormoc na mismo ang shooting ng kanyang future films para maipakita rin ang ganda ng kanyang nasasakupan.

Mamaya malalaman ang first four official entries ng Metro Manila Film Festival 2018 at tingnan natin kung pasok ang mga pelikulang inalok sa kanya.

Nasabi rin sa atin ni Goma na bukas at excited siyang makatambal ulit ang mahal nating Megastar Sharon Cuneta sa pelikula kung may magandang material para sa kanila.

Sabi naman ni Goma, kahit sa October na ang filing ng candidacy para sa next elections, puwede pa rin naman siyang makagawa at mag-showing ng pelikula safely hanggang February, and even March, bago ang itinakdang official campaign period ng local candidates.

Sana nga, mangyari na ito soon! #HopiaPaMore.

JERRY OLEA: Nakaka-miss na ring mapanood sa big screen si Ormoc City Mayor Richard I. Gomez.

The Love Affair (2015) pa ang huling movie na pinagbidahan ni Goma, kasama sina Dawn Zulueta at Bea Alonzo.

Kapana-panabik kung matutuloy niyang gawin ang movie with Derek, Maja, and Arci.

Exciting ang kumbinasyon!

GORGY RULA: Gusto man ni Mayor Goma na gumawa ng pelikula, parang mahirap naman masingit iyan sa schedule na walang conflict sa trabaho niya sa Ormoc.

Paano kung di makapasok sa MMFF iyan? Kailangan maipalabas ba agad sa mga sinehan para di umabot sa campaign period?

Kaya mas okay siguro kung next year na siya mag-showbiz pagkatapos ng election para walang hinahabol na cut-off sa kampanya.

Saka kailangan ikundisyon pa ni Mayor ang katawan niya.

Mas okay din kung yung pelikula nila ni Megastar ang comeback film niya, di ba?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN