Vice, Vic-Coco movies pasok sa MMFF 2018; Anne, Jericho-Jessy may entries din

NOEL FERRER: Mula sa 24 submitted scripts, inihayag na ang unang apat na official entries ng Metro Manila Film Festival ngayong taong ito:

1. AURORA ng Viva Films - starring Anne Curtis; directed by Yam Laranas
2. FANTASTICA: THE PRINCESS, THE PRINCE, AND THE PERYA ng Viva at Star Cinema starring Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Anadalio and Maymay Entrata; directed by Barry Gonzalez
3. GIRL IN THE ORANGE DRESS ng Quantum at MJM Films starring Jessy Mendiola, Jericho Rosales; directed ng Jay Abello
4. POPO EN JACK, THE PULISCREDIBLES by MZet, APT and CCM Productions starring Vic Sotto and Coco Martin; directed by Rodel Nacianceno


Vice Ganda, Anne Curtis, Vic Sotto, Jessy Mendiola, and Coco Martin

Ang next deadline ay sa September 21 for finished films, at sa August 31 para sa scripts ng Short Film category.

JERRY OLEA: Okey Ka, Fairy Coco! (Pahiram, Inday Garutay)!

Kinabog ni Vice Ganda (Gandarrapido) sina Coco Martin (Ang Panday) at Vic Sotto (Meant To Beh) sa MMFF 2017.

Sanib-puwersa ngayon sina Vic & Coco (Vicoco?!) laban sa fantastic na ganda ni Vice!

Incredibly exciting na si Coco mismo ang magdidirek ng movie nila ni Bossing Vic.

Teka! Sino ang fantastic prince ni Vice?!

Abangan!!!

GORGY RULA: Wow! Walang nabago sa nakaraang taon. Sila-sila pa rin.

Ang Viva entry lang ang nakalusot dito na di nakapasok nung nakaraang taon.

Kaya mukhang yung rules nung nakaraang taon ang sinunod kahit iba ngayon ang line-up ng jury.

Kaya nakini-kinita naming itong apat na unang napili ang maglalaban sa box-office.

Curious kami anong atake ang gagawin dito ni Coco bilang direktor, at si Bossing Vic ang ididirek niya.

Tama nga yung unang nabalitaan naming mala-Greatest Showman itong kay Vice Ganda.

Pero hindi pa nabanggit kung sino ang leading man. Matutuloy kaya si Dingdong Dantes?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN