Anne Curtis mabango na sa takilya, may major concert pa

NOEL FERRER: This is the season of Anne Curtis.

Hindi man niya priority ang pagbe-baby, marami naman siyang baby projects na talagang maipagmamalaki niya.


Pagkatapos ng successful na movie with Dingdong Dantes na Sid & Aya, heto at ipalalabas na ang kanyang much-awaited movie na Buy Bust sa August 1.

Magkakaroon ito ng world premiere sa New York Film Festival nitong July.

Pagkatapos, may concert pa siyang Anne-Kulit, Last Ko Na ‘To sa August 18 sa Araneta Coliseum to celebrate her 21st anniversary sa showbiz.

And to cap off a truly productive year, mayroon siyang pelikula sa Viva Films under Direk Yam Laranas titled Aurora, na isa sa mga binigyan ng thumbs up ng selection committee ng MMFF 2018.

Anne-Suwerte talaga ni Anne.

JERRY OLEA: Mayo 30 nang mag-open ang Sid & Aya (Not A Love Story), pero palabas pa rin ito sa ilang local theaters.

Gaya ng action-thriller na Buy Bust, tampok ang Sid & Aya sa 17th New York Asian Film Festival (Hunyo 29-Hulyo 15) sa New York City, USA.

Opo! Dalawa ang pelikula ni Anne sa NYAFF this year!

Ang apat pang Pinoy films sa NYAFF ay Respeto, Neomanila, On The Job, at We Will Not Die Tonight.

Si Erik Matti ang direktor ng Buy Bust at On The Job, kaya dalawa rin ang entry niya sa nasabing filmfest.

ANNE-bango ni Anne sa takilya, kaya asahan nating aariba ang horror/thriller niyang Aurora (ididirek ni Yam Laranas) sa MMFF 2018.

Matinding kulitANNE at kagANNEdahan ang hatid niya sa concert comeback niyang ANNEkulit: Promise, Last Na ‘To na nakatakda sa 8-18-18 sa Smart Araneta Coliseum, kaya siguradong dudumugin ito ng kanyang fans.

Congrats, Anne!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN