Maine Mendoza, itatambal kay Coco Martin; Alden Richards, kay Vice Ganda?

by PEP Troika
Jul 2, 2018

JERRY OLEA: Ilang araw nang pinapalutang na si Maine Mendoza ang katambal ni Coco Martin sa MMFF 2018 movie nito with Vic Sotto na Popoy en Jack: The Puliscredibles.

Wish naman naming si Alden Richards ang maging “Prince” sa MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastica: The Princesses, The Prince and The Perya.

Joint venture iyon ng ABS-CBN Films at Viva Films.


Continue reading below ↓

Di ba, umaarangkada ang movies ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa ilalim ng Viva Films at Star Cinema (ng ABS-CBN)?!

Naniniwala kami na makakatulong sa career ng Pambansang Bae kung kalahok siya sa fantastic movie ni Vice.

Nag-PM kami sa discoverer-manager ni Alden na si Carlites de Guzman kung OK iyon sa kanilang kampo.

Sagot ni Carlites nitong Hulyo 2, Lunes ng hapon, “If mabibigyan siya ng opportunity, bakit po hindi?”

NOEL FERRER: Ganun na nga yata ang kalakaran, na para magkaroon ng clout sa pelikula, kailangang makagawa ng pelikula sa Star Cinema ang Kapuso talents.

Umaasa pa rin ako na darating ang panahon na maging active ulit ang GMA Films para mabigyan nila ng kaukulang stature ang mga talents nila ng pampalaking pelikula.

Why not nga naman, di ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results