Lady producer, masama ang loob sa veteran actress na nanloko sa kanya

by PEP Troika
Jul 3, 2018

GORGY RULA: Nakatsikahan ko ang isang lady producer na naka-base dito sa San Francisco, California, na nag-produce ng isang indie film at hindi na nasundan.

Nadala na kasi si lady produ sa mga taong kinuha niya dahil naloko lang siya at hindi na naibalik ang perang ipinuhunan niya.

Pero isa sa labis na ikinasama ng loob ni lady producer ay ang isang veteran actress na kamag-anak pa naman daw niya.

Nung panahon kasing nag-aalala na si lady produ sa kanyang inang nakaratay, lahat ay ginagawa niya para humaba lang ang buhay ng ina.

Kinausap ni veteran actress si lady produ kung gusto nitong dalhin ang mommy niya sa Vatican para saksihan ang canonization ni San Pedro Calungsod.

May package na inalok si veteran actress na puwede raw dalhin sa Italy ang kanyang inang maysakit .

Baka raw puwedeng humingi ng milagro sa ating Pinoy na Santo na gumaling ang ina ni lady producer.

Continue reading below ↓

Aabutin daw ng 20,000 US dollars ang gagastusin, na ibinigay naman kaagad kay veteran actress.

“Siyempre, I’ll do anything for my mom,” sabi ni lady producer.

Malungkot na inihinga sa amin ni lady producer ang sama ng loob kay veteran actress, dahil pumanaw na ang kanyang ina at hindi sila nakarating ng Vatican para saksihan ang canonization ni San Pedro Calungsod.

Wala na rin siyang narinig mula kay aktres, at hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik ang 20,000 US dollars na ibinayad niya.

Nakakalungkot naman.

NOEL FERRER: Nakakalungkot talaga itong pangyayaring ito.

May best friend dati itong veteran actress na nakasamaan niya ng loob dahil din sa pera.

Sad, dahil umiikot lang ang mundo. Pareho silang nabiktima at nambiktima?

Kawawa naman ang lady produ at ang pumanaw niyang ina.

JERRY OLEA: Walang puso! Halang ang kaluluwa!

May natatanging puwesto ang veteran actress na iyan.

Nawa’y malasap niya ang bagsik ng karma sa lalong madaling panahon!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results