Eddie, Iza, Glaiza, Ogie, Ai-Ai, Celeste magtatagisan ng aktingan sa Cinemalaya 2018

by PEP Troika
Jul 4, 2018

JERRY OLEA: Petmalu ang tagisan ng akting ng mga artista sa full-length films ng 14th Cinemalaya filmfest sa Agosto 3-12, 2018.


Iza Calzado, Eddie Garcia, and Ogie Alcasid

Sa Distance (ni Percival Intalan), bumalik si Liza (Iza Calzado) sa kanyang asawa (Nonie Buencamino) at dalawang anak na iniwan niya limang taon na ang nakaraan.

Continue reading below ↓

Sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (ni Carlo Enciso Catu), ang gurang na si Teresa (Perla Bautista) ay “naipit” sa dalawang lalaki (Dante Rivero & Menggie Cobarrubias).

Sa Kuya Wes (ni James Robin Mayo), nainlab ang remittance clerk na si Wes (Ogie Alcasid) sa isang regular customer niya.

Sa Liway (ni Kip Odbanda), nakapiit ang batang ina na si Day (Glaiza de Castro) kasama ang kanyang anak.

Sa Mamang (ni Denise O’Hara), nag-uulyanin na ang inang si Mamang (Celeste Legaspi).

Sa ML (ni Benedicto Mique Jr.), itinuro ni Colonel (Eddie Garcia) sa estudyanteng si Carlo (Tony Labrusca) ang hilakbot ng martial law.

Sa Pan de Salawal (ni Che Espiritu), malubha ang sakit ng panaderong si Sal (Bodjie Pascua).

Sa School Service (ni Luisito Lagdameo Ignacio), nagpapahirap sa mga batang hamog ang mga lider nilang magkapatid (Ai-Ai delas Alas at Joel Lamangan).

Sa The Lookout (ni Afi Africa), maghihiganti ang gay hired killer na si Lester Quiambao (Andres Vasquez). Bongga ang papel dito ni Yayo Aguila.

Continue reading below ↓

Sa Musmos na Sumibol sa Gitna ng Digma (ni Iar Lionel Arondaing), tinalakay ang buhay ng mga bata sa Mindanao bilang mga biktima ng giyera. Nasa cast nito sina Junyka Sigrid Santarin, JM Salvado, Star Orjaliza, Jun Salvado Jr., Romerico Jangad, Darril Ampongan, at Haide Moyero.

NOEL FERRER: Interesting ang lineup ng Cinemalaya full-length at shorts.

Meron din silang feature sa lahat ng mga naging best picture sa iba’t ibang local festivals; like MMFF (Larawan), Cinemalaya (Respeto), Sinag Maynila (Tale of the Lost Boys), QCinema (Balangiga), at CineFilipino (The Eternity Between Seconds).

Bakit hindi kasali ang nanalo sa Cinema One na Paki, tanong namin.

Na-hold daw dahil baka isali sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Interesting din ang ibang sections, lalo na ang documentaries at ang tribute kay Direk Maryo J. de los Reyes (Bagets at Magnifico) at Bernardo Bernardo (City After Dark).

See you sa CCP at Ayala Theaters para sa nagungunang indie film festival.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Sana hindu ito katulad ng nakaraang taon na ang Respeto lang ang maganda, at yung Bakunawa lang ang puwede na.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results