Mayor Herbert, friendship and respect lang ang nararamdaman kay Kris?

by PEP Troika
Jul 6, 2018

GORGY RULA: Aminado si Quezon City Mayor Herbert Bautista na nagulat siya at flattering din daw sa kanya ang mga ibinunyag ni Kris Aquino tungkol sa kanilang dalawa.


Sabi kasi ni Kris, willing siyang i-give up ang career niya, pati ang 53 endorsements, para sa apelyido ni Mayor Herbert na ibibigay sa kanya.

Continue reading below ↓

Reaksiyon dito ng QC mayor, “I’m so very thankful sa sinabi niyang yun.

"Siyempre nakakabigla yun… malaking bagay yun sa kanya kasi pinaghirapan niya yun, e.

"Kaya nasabi ko, I’m very thankful when I got that remark, and it’s a good gesture.

"That’s why… ang pinanggagalingan naming pareho is mutual respect.

“I also do the same kung kinakailangan.

“Pero pagkatapos ng term ko, wala na akong igi-give up, e.”

Wala naman daw masasabi si Mayor Herbert pagdating sa political career niya, dahil matagal pa naman ang eleksyon.

Basta kung anong merong namagitan daw sa kanila ni Kris, iyon daw ang isang klase ng friendship na hindi niya maintindihan.

“Meron kaming friendship na hindi namin maintindihan.

"I think our friendship was based on mutual respect and… yun yung anchor nun respeto,” pakli ni Mayor Herbert.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Mayor Herbert gave the important key terms: friendship and respect.

Yun na lang siguro yun.

Wala talagang LOVE?

GORGY RULA: May ganung sundot ang tanong ko kay Mayor, Sir Noel.

Sabi niya sa tanong ko kung gaano ba niya ka-love si Kris para i-give up ang career, nito sabi lang niya, "Napakadiretso naman ng tanong mo."

NOEL FERRER: In short, hindi diretso ang love nila, kapatid, pagewang-gewang, bali-baliko!

JERRY OLEA: Paulit-ulit na sinambit ni Mayor Herbert ang pasasalamat kay Kris nitong Hulyo 6, Biyernes ng gabi, sa Bulwagang Amoranto ng Quezon City Hall.

Aniya, ginabayan siya nito sa options na puwede niyang gawin sa career, halimbawa’y sa pagbuo ng network sa social media.

Nagabayan din naman niya si Kris sa mga bagay-bagay.

Si Kris daw mismo ang dumistansiya sa kanya, para hindi siya madamay sa bashing dito.

More or less ay isa’t kalahating buwan na raw na wala silang komunikasyon ni Kris.

Continue reading below ↓

Manonood ba siya ng movie ni Kris na I Love You, Hater, na showing na sa Hulyo 11, Miyerkules?

“Walang imbitasyon, e,” sambit ni Mayor Bistek.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results