Sunshine Cruz, ayaw magkomento sa mga isyung kinasasangkutan ni Cesar Montano

by PEP Troika
Jul 6, 2018

GORGY RULA: Ayaw munang sabihin ni Sunshine Cruz kung pinag-uusapan na ba nila ni Macky Mathay ang kasal kung sakaling makuha na ng aktres ang annulment ng kasal nila ni Cesar Montano.


“One day at a time,” mabilis na sagot ni Sunshine sa presscon ng bagong teleserye ng GMA-7 na Kapag Nahati ang Puso ngayong Biyernes ng tanghali, July 6.

Continue reading below ↓

“I’m hoping for the best when it comes to my annulment. I’m praying lang na maging positive ang outcome.

“Pray na lang kami for the best, kung ano man ang nakakabuti at kung ano man ang desisyon,” dagdag niyang pahayag.

Gusto raw ni Sunshine na magpaka-positive dahil sa dami ng blessings na dumarating sa kanya.

Kaya iniiwasan na niyang pag-usapan ang tungkol sa dating asawa.

Ayaw na raw niyang magkomento tungkol sa isyung pinagdadaanan ni Cesar. Baka masamain pa raw ng ibang tao.

“Waley na. Waley na akong masasabi. Kasi may kanya-kanya na kaming buhay.

"Itong Kapag Nahahati ang Puso na lang ang pag-usapan,” nakangiting pahayag ni Sunshine.

Excited lang daw siya ngayon sa bagong teleserye niya sa GMA-7 dahil ang huling programa raw niyang nagawa sa Kapuso network ay nung hindi pa siya kasal kay Cesar.

NOEL FERRER: Mukhang ang bilis ng turnover ng mga morning teleserye ng GMA-7, at heto na ang bago na namang Kapag Nahati Ang Puso.

Continue reading below ↓

Laging nagtatagisan kung sino ang makakakuha ng atensiyon ng morning viewers, at ang naging benchmark ay yung light teleserye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap before.

Ang dami nang nag-attempt pumalit at tumapat, pero lagi pa ring naghahanap ng fresh na konsepto at execution.

Pati nga News and Public Affairs at Entertainment Departments ng GMA-7, nagkalabugan din ng hahalili at itatapat na programa.

Uubra kaya itong comeback project ni Sunshine Cruz sa Kapuso network?

Abangan... after the initial six weeks.

JERRY OLEA: Seksing-seksi pa rin si Sunshine, at hindi nauubusan ng proyekto.

Hot momma indeed!


Continue reading below ↓

Kaabang-abang ang movie niyang My Stepmother’s Lover, kung saan wala siyang kiyeme latik sa intimate scenes with Kiko Estrada and Martin del Rosario.

Va-va-voom!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results