"Odd couple," magwagi kaya sa takilya?

by PEP Troika
Jul 7, 2018

NOEL FERRER: Mukhang nganga ang kontrobersiyal at kakaibang “couple” sa sinalihan nilang patimpalak dahil hindi raw umubra ang kanilang kadramahan sa lupon ng inampalan.

Hindi nakakatuwa ang mala-toilet humor nilang simula sa isang pelikula, at sa kabuuan, hindi sila kinakiligan sa kanilang pilit na pagpapatawa kahit na sa isa pa nilang entry na naghilahan pababa.

Paano na kaya?

Hindi na nga nagswak sa tunay na buhay, hindi pa rin pasado sa screen?

Umasa na lang tayo na makatanso sila sa box-office kapag nagkaroon na sila ng sarili nilang commercial run.

Sayang naman at mahal pa naman natin ang ibang mga taong katrabaho ng unlikely tandem na ito.

Pero tinimbang sila, ngunit sadyang kulang.

JERRY OLEA: The proof of the pudding is in the tasting.

Don’t judge a book by its cover.

Ayokong husgahan agad-agad ang pelikula ng kakaibang tambalan hangga’t hindi ko pa ito napapanood.

Continue reading below ↓

Ligwak ganern man ito sa indie film festival, maipapalabas din ito.

Uriin man ng iba bilang walang kuwenta, hindi ba’t may mga basurang pelikula na tinatangkilik ng masa?

GORGY RULA: True! Tingnan muna natin ang pelikula.

Pero paano iyan, malalaman ng readers natin, e, blind item ito?

Kasi sa aking tingin, hindi talaga pleasant silang dalawa. Lalo na yung comedienne na walang ka-PR-PR para sa akin.

Si comedian na magaling kumanta ba ay si hunk actor na kinukuwestiyon kung totoong hunk nga ba?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results