Dalawang pelikula ni Kakai Bautista, hindi pumasa sa Pista ng Pelikulang Pilipino

by PEP Troika
Jul 9, 2018

NOEL FERRER: Naihayag na ang walong pasok na entries sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ito ay ang mga sumusunod: Ang Babaeng Allergic sa Wifi (Jun Lana), The Day After Valentines (Jason Paul Laxamana), Signal Rock (Chito Roño), Pinay Beauty (Jay Abello), Bakwit Boys (Jason Paul Laxamana), We Will Not Die Tonight (Richard Somes), Unli Life (Miko Livelo), at Madilim Ang Gabi (Adolf Alix).


Continue reading below ↓

Jameson Blake & Sue Ramirez in Ang Babaeng Allergic Sa Wifi / Bela Padilla & JC Santos in The Day After Valentine's

Ang tanong: ano na kaya mangyayari sa mga pelikulang umasang makapasok sa Top 8 pero hindi napili?

Paano na sina Kakai Bautista at Ahron Villena sa kanilang Harry at Patty at Wander Bra?


Continue reading below ↓

Kakai Bautista & Ahron Villena in Harry at Patty / Kakai Bautista in Wander Bra

Paano na ang Kusina Kings nina Empoy Marquez at Zanjoe Marudo, na hindi ikinatuwa ng selection committee at
balitang uunahan na lang ng showing ang PPP?

Ano na rin kaya ang kahihinatnan ng pelikula nina Alex Gonzaga, Gelli de Belen at Ariel Rivera, at iba pang nagtangkang sumali sa PPP at hindi pinalad makapasok sa Top 8?

Sana makahanap sila ng magandang playdate at mabigyan din ng chance.

Malay naman natin, di ba?

GORGY RULA: Mabigyan lang ng tamang handling sa promo, baka makalusot naman.

Pero may ilang maliliit na pelikulang mahihirapang mabigyan ng playdate. Kaya kailangan talagang i-distribute ng malaking film outfit para mabigyan ng magandang playdate.

Sa totoo lang, kahit pasok nga sa PPP, wala pa ring assurance na maghi-hit ang pelikula.

Kaya kailangan pa rin ng producer na itodo ang promo.

JERRY OLEA: Bongga si Direk Jason Paul Laxamana, dalawa ang lahok sa PPP!

Continue reading below ↓

Ang tambalang Kakai-Ahron, ngangey ang dalawang aspiring entry.

“Ipapalabas na rin naman ang Harry & Patty nina Kakai & Ahron,” sabi ng line producer na si Dennis Evangelista nang makausap namin noong July 4, Wednesday, sa launch ng Cinemalaya.

Mas maraming kilalang artista sa ikalawang taon ng indie filmfest na ito ng FDCP!

Topgrosser dito last year ang 100 Tula Para Kay Stella na tinampukan nina Bela Padilla at JC Santos.

Ang movie nila na Day After Valentines pa rin kaya ang manguna sa takilya?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results