Para kay Mark, si Winwyn ang pinakamaganda sa lahat ng naging GF niya; fans nag-react

by PEP Troika
Jul 9, 2018

GORGY RULA: Nagulat si Winwyn Marquez nang hiningan namin ng reaksiyon sa emote ng ilang fans sa isang post ni Mark Herras sa kanyang Instagram account.

May isang post kasi si Mark na sinasabing si Winwyn ang pinakamagandang babae para sa kanya.

May ilang fans na nagmensahe sa aming nagagalit sila kay Mark dahil parang pinapalabas daw na mas maganda pa si Winwyn sa mga ex-girlfriend niya.

Dating na-link si Mark kay Marian Rivera, naging open din naman ang relasyon ng Kapuso actor kay Jennylyn Mercado, at ang huli si Ynna Asistio.

Sabi ni Winwyn, hindi nakarating sa kanya ang ganung isyu. Kahit nga raw kay Mark ay wala namang nam-bash sa kanya ng ganun.

Kung ganun daw ang nararamdaman ng ibang fans, pananaw naman daw nila yun at wala siyang magagawa.

“Opinyon naman nila yun, e. Masaya naman kami ni Mark, e.

"And if they think ganun, I don’t think na minamaliit yung mga ex niya or something," pakli ni Winwyn.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng beauty queen, “Siguro kasi eto yung present, and we're just cherishing every moment that we have each other.

"E, kung yung naisip ni Mark yung present, and I think they should respect that.

“Tapos naman na yung iba, hindi naman siguro i-compare na.” 

Nakausap ng PEP Troika ang Reina Hispanoamericana titleholder sa launching ng Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa Sequioa Hotel sa Quezon City kaninang tanghali, July 9.

Mahigit dalawang taon na rin ang relasyon nina Mark at Winwyn.

Ayon kay Winwyn, mas maayos sila ngayon dahil nagma-mature na rin sila kasabay ng pag-grow ng kanilang relasyon.

Hindi na nga raw sila madalas nagkikita, pero mas okay raw sila ngayong dalawa.

“Siguro mas mature lang kami talaga ngayong dalawa, at naintindihan namin ang isa’t-isa,” sabi pa ni Winwyn.

JERRY OLEA: Haynakoh! Si Marian Rivera ang pinakamaganda at pinakamabango ang buhok (dahil sa Hana shampoo) para kay Dingdong Dantes.

Continue reading below ↓

Para naman kay Dennis Trillo, si Jennylyn Mercado ang pinakamaganda at pinakamasabaw.

Hindi isyu kung si Winwyn ang pinakamagandang binibini para kay Mark.

NOEL FERRER: To each his own standards of beauty. And in a certain degree, may kasamang love na rin iyan...

Sino kaya ang susunod na lalagay sa tahimik at bibiyayaan ng katulad ni Zia nina Marian at Dingdong?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results