Rhian Ramos, kapansin-pansin ang pagiging close kay Andre Paras sa GMA anniversary party

by PEP Troika
Jul 10, 2018

NOEL FERRER: Ngayong inamin na ni Rhian Ramos sa PEP.ph ang kanyang breakup sa Filipino-Chinese businessman boyfriend of three and a half years na si Jason Choachuy, heto ang pinag-uusapan sa radio program na Double A sa Double B nina Arnold Clavio at Ali Sotto—ang kakaibang closeness nila ni Andre Paras noong GMA 60th Anniversary party.


Continue reading below ↓

Well, first, they are of age and there’s nothing wrong kung maging sweet ang two consenting adults.

Malay mo, isa lang sa mga chill at sweet moments nila, all in the name of friendship.

Ano kaya ang masasabi ng Daddy Benjie Paras dito, Tito Gorgs?

GORGY RULA: Naku! Duda ako riyan.

May narinig akong ibang tila nahuhumaling kay Rhian.

Marami rin ang nakapansin kung sino ang kausap niya nang masinsinan sa Eddys Awards kagabi.

Pero namamalisyahan lang kasi ang closeness ng Kapuso actress sa guy friends niya, kaya baka wala naman talagang namamagitan.

Abangan na lang natin dahil lalabas at lalabas naman iyan.

JERRY OLEA: E, ano kung break na si Rhian sa negosyanteng si Jason?

Sa ganda ni Rhian, hindi siya mauubusan ng lalaki.

Tuluy-tuloy pa rin naman ang career ni Rhian.

Leading lady siya ni Jolo Revilla sa episode nito sa trilogy movie na Tres.

“Dito, nakita ko si Rhian, iba siya gumalaw,” sabi ni Jolo.

Continue reading below ↓

“Maayos katrabaho. Professional actress.”

May kissing scene ba sila ni Rhian?

Napangiti si Jolo, “Abangan na lang nila!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results