Signal Rock ni Chito Roño, pinagbawalan ng PPP na maging opening film ng Cinemalaya

by PEP Troika
Jul 11, 2018

NOEL FERRER: Noong hindi pa naihahayag ang official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), inimbitahang maging opening film ng Cinemalaya ang Signal Rock ni Direk Chito Roño.


Maganda sanang exposure ito para sa passion project ni Direk Chito na bihirang gumawa ng indie film.

Continue reading below ↓

Usually, may program pa nga before the free screening sa CCP Main Theater, at puwede rin sanang i-promote nila ang PPP.

Pero laking panghihinayang ng team ni Direk Chito na ang sagot ng FDCP sa producer ng Signal Rock ay: "hindi daw po talaga keri mag-opening film si Signal Rock sa Cinemalaya kasi po exclusive Philippine premiere dapat po siya kay PPP."

In fairness, yun naman ang nasa rules and guidelines ng PPP nang isali rito ang Signal Rock, kaya nang mapili ito bilang isa sa walang official entries ay dapat silang sumunod sa patakaran.

Ang tanong, since nagtutulungan at nagsusuportahan naman ang FDCP at iba't ibang film festivals, hindi ba puwedeng magbigayan din sila at hindi maging competitors?

GORGY RULA: Understandable naman kung gusto ng FDCP na sa Pista ng Pelikulang Pilipino unang mapanood ang mga pelikula nila, pero wala namang diperensiya kung maging opening film sa Cinemalaya ang isa sa entries.

Continue reading below ↓

Minsan lang naman ang screening at tulong na rin sana sa naturang filmfest. Magtulungan na lang sana, di ba?

Pero naintindihan ko naman kung hindi nila pagbibigyan ang Signal Rock dahil kailangan sundin ang rules ng PPP.

Mabuti ngang wala nang pagbigyan at baka maging precedent pa ito sa mga susunod na festival.

Malapit na ang pagsisimula ng Cinemalaya, sana may mapili na silang kapalit.

JERRY OLEA: Sumuporta si FDCP Chair Liza Diño sa 14th Cinemalaya: Wings of Vision (Agosto 3-12).

Present siya sa launch nito noong July 4, Wednesday sa CCP.

Nasa Facebook page pa ng FDCP ang mga ganap sa paglulunsad ng naturang indie filmfest.

Kaso, patakaran talaga ng FDCP sa 2nd PPP (Agosto 15-21) na ang entries nila sa main competition ay sa kanila ang Philippine premiere.

Ang Cinemalaya ang pinaka-prestigious indie filmfest sa bansa, at marami na itong masugid na tagasubaybay.

Nangangapa pa ang PPP, at disadvantage para rito na ilang araw lang ang pagitan nito sa Cinemalaya.

Continue reading below ↓

Huwag sanang i-cannibalize ng Cinemalaya at PPP ang isa't isa.

Baka mamaya, magngitngit ang langit at rumatsada ang mga bagyo sa Agosto!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results