Libro ni Mayor Herbert Bautista, tinalakay ang naging relasyon niya kina Kris Aquino at Ruby Rodriguez

by PEP Troika
Jul 11, 2018

JERRY OLEA: 308 pahina ang librong Bistek @ 50: Life in Full Color (The Herbert Bautista Biography).

Tatlo ang pangunahing “kulay” sa aklat: Kulay Buhay (pp. 14-91), Kulay Showbiz (pp. 92-189), at Kulay Serbis (pp. 190-306).


77 pages ang Kulay Buhay, kung saan tinalakay ang kanyang childhood, at ang mga kapamilya, kaibigan at fans niya, pati ang mga kulay ng kanyang pag-ibig.

Continue reading below ↓

97 pages ang Kulay Showbiz, kung saan dinalirot ang pag-aartista niya sa TV at pelikula.

116 pages ang Kulay Serbis, kung saan hinimay ang pagiging public servant niya, mula sa pagiging KB Chairman ng Brgy. Immaculate Conception, Quezon City hanggang sa pagiging mayor ng naturang lungsod.

Sa kabanata ng Kulay Serbis, may litrato si Bistek kasama sina Cory Aquino, Noynoy Aquino, at iba pang presidente ng bansa.

Sa Kulay Buhay, dalawa ang litrato ni Bistek kasama si Kris Aquino (pp. 64 & 65).

Nabanggit si Kris sa mga pahina 62, 64-66.

Oh, yes! Nabanggit din ang portmanteau na Kristek (na ang inyong lingkod ang bumuo), pati na ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) bilang source.

Bongga ang paggunita ni Ruby Rodriguez sa apat na taong relasyon nila ni Mayor Bistek sa pp. 60, 61, at 63.

Ang huling paragraph sa libro:

“Sa dami ng gusto kong gawin, hindi ko alam ang uunahin ko!” he says, and quickly adds — “I’ll take my time. In God’s perfect time.”

Continue reading below ↓


Sa Acknowledgments sa pahina 308, may typo error sa pangalang “Aga Mulach” (Kulay Showbiz).

Ang writers ng biography ni Mayor Bistek ay sina Regina Abuyuan, Audrey Carpio, Raul C. Dancel, Kristine Fonacier, Mookie Katigbak-Lacuesta, Sarge Lacuesta, Marielle Tayona, at Krip Yuson.

Siyanga pala, ngayong Hulyo 11, Miyerkules ang pagpapalabas sa mga sinehan ng bagong pelikula ni Kris kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang I Love You, Hater.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Wow, naikambiyo talaga sa I Love You, Hater na kabubukas lang ngayon sa mga sinehan. Hehehe!

Ang libro ni Herbert ay may video pa iyan, at kasama kami sa nag-tape ng segment along with his friends from The Sharon Cuneta Show.

Siguro ipapalabas iyan sa mismong book launching, at kung anuman ang susunod na plano ni Bistek sa kanyang Kulay Serbis.

Congratulations sa bumuo ng libro (kasama na riyan si Harlene Bautista) at excited ako sa susunod na kabanata ni Bistek—either in public or in private.

Ang alam ko lang lilipad siya sa September para sa graduation ng napaka-talented niyang anak na si Race Matias sa film school sa September.

Siyempre naman, proud ako dun kasi inaanak ko yun!

GORGY RULA: Tamang-tama ang libro na yun sa pagkatapos ng term ni Mayor Bistek sa pagiging alkalde ng QC.

Ang sabi, senado na raw ang kasunod.

Hindi naman sinagot ni Mayor dahil matagal pa raw yun.

Continue reading below ↓

Siyempre maninimbang pa muna iyan kung kakayanin bang pasukin ang Senado.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results