Zanjoe-Empoy at Ahron-Kakai movies, uunahan ang Pista ng Pelikulang Pilipino na nang-isnab sa kanila

by PEP Troika
Jul 11, 2018

NOEL FERRER: As we earlier predicted, uunahan talaga ng showing ng ilang pelikulang hindi nakasama sa Magic 8 list ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang showing ng mga pelikulang lahok habang hindi pa siksikan ang playdates.

Nakatakda na sa July 25 ang playdate ng Kusina Kings ng Star Cinema, starring Zanjoe Marudo and Empoy Marquez, directed by Victor Villanueva (last year’s director of PPP audience favorite, Patay Na Si Hesus).

malapit na maluto. #kusinakings #kusinakingsposter #starcinema25 #masarap

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

Kung hindi magbabago, makakasabay nito ang Mission Impossible: Fallout ni Tom Cruise ng Paramount, Richard The Stork ng Crystal Sky, ang horror films na Our House at Behind The Walls, at ang drama-fantasy-horror na Wildling.

Sa August 1 naman, matapang na in-announce sa IG post ni Ahron Villena na showing na ang kanilang pelikula ni Kakai Bautista, ang Harry & Patty, sa direksiyon ng mahal naming si Julius Alfonso.

Makakatapat nito ang heavily-promoted na BuyBust nima Anne Curtis, Brandon Vera, Victor Neri, Joross Gamboa, Mara Lopez, at Arjo Atayde; directed by Erik Matti.

Continue reading below ↓

At makakasabay pa nila ang action animation na Teen Titans Go ng Warner, ang sci-fi thriller ni Mandy Moore na The Darkest Minds, ang comedy film ni Uma Thurman na The Con Is On, and four other foreign titles—Still Born, Spy Who Dumped Me, Christopher Robin, and Unfriended 2: Dark Web.

So, paano na... sa mundo ni Janet?

Tapatan na kung tapatan?!

Good luck na lang!!!

#SupportLocal

JERRY OLEA: Noong July 4 sa CCP, sa launch ng 14th Cinemalaya filmfest, sinabi sa amin ng line producer na si Dennis Evangelista na sakaling ma-reject sa 2nd PPP ang Harry & Patty ay ipapalabas na ito bago pa man ang indie filmfest ng FDCP.

“A Beginning Of A Not-So-Beautiful Love Story” na pala ang subtitle ng AhKai movie, na not-so-beautiful para sa Screening Committee ng 2nd PPP.

Ang dati kasi nitong subtitle ay “There Was Never An Us.”

Continue reading below ↓

Eh, yong last two words... AN US.

Baka pagkamalang “There Was Never Anus” ang peg.

GORGY RULA: Good luck uli sa mga ganitong pelikula. Sana makasuwerte.

Kasi pasuwertehan na lang talaga ngayon ang local films.

Itong I Love You, Hater nga, ang nakuha kong impormasyon sa reliable source natin, baka maka-P3 million lang daw sa first day nito.

Kung maganda ang pelikula, baka makabawi sa weekend.

Pero wala pa akong naririnig na magandang feedback sa pelikula.

Maganda po ba, Sir Jerry Olea?

NOEL FERRER: Medyo nagpi-pick up naman daw habang tumatagal.

Sana makaabot ng P4.5M ngayong first day o mas tumaas pa dahil sa pagti-text brigade ni Sir Jerry through his iPhoneX!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results