Stars ng Kambal Karibal, rumampa sa 6th anniversary ng Quezon City District 5

by PEP Troika
Jul 14, 2018

GORGY RULA: Sinuportahan ng ilang cast members ng Kambal, Karibal ang selebrasyon ng 6th Founding Anniversary ng 5th district ng Quezon City na ginanap sa SM Novaliches kaninang hapon, July 14.

Ginawa nila ito para sa kasamahan nila sa naturang drama series na si Cong. Alfred Vargas na congressman ng naturang distrito.

Kabilang sa mga dumating para magpasaya sa mga taga-district 5 ay sina Bianca Umalli, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales, Pauline Mendoza at Cheska Salcedo.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Nakisaya rin ang mga kaibigan ni Alfred na sina Diana Zubiri, Bea Binene, at si Pekto na nag-host ng palabas.

Pahayag ni Alfred, “Nakakatuwa dahil nakasabay ko rin ang pag-celebrate ng founding anniversary ng district 5, because I am the first Congressman of the 5th district of Quezon City.

“So, it’s an honor na naging tradisyon na namin ito na every year meron kaming big celebration tulad nito.

“Lalo itong pinalaki at pinaganda dahil nandito ang mga kaibigan ko from Kambal, Karibal—sina Kyline, si Bianca, si Jeric, si Cheska, si Pauline...

“Pati ang iba ko pang kaibigang sina Diana at si Bea, nandito. Pati si Pekto.

"Dahil ito sa aming pagkakaibigan.

“Kasi itong mga kaibigan kong ito, napakabait din at napakasarap nilang kasama sa set.”

Doon na rin pinag-uusapan ang nalalapit na pagtatapos ng naturang serye.

Mas matindi raw ang aabangan sa pagtatapos nito.

Continue reading below ↓

“Marami pong mga twist na dapat abangan nila,” pakli ni Bianca.

Si Kyline Alcantara nga ang isa sa pinakamagandang produkto ng Kambal Karibal, at tinitiyak na lalo raw itong magustuhan ang pagtatapos nito.

“Siyempre po sa pagtatapos nito, dapat nyong abangan dahil mas todo pa po ang lahat na pasabog, at ipinapangako po namin na mas tagos sa puso at kaluluwa ang istorya hanggang sa pagtatapos ng Kambal, Karibal,” saad ni Kyline.

JERRY OLEA: Na-extend nang na-extend ang Kambal Karibal.

‘Tsura lang ng The Half Sisters nina Barbie Forteza at Thea Tolentino na kung saan-saan napunta ang kuwento.

Tatapusin na ba talaga ang KK? Baka naman pwedeng i-stretch pa ito?

Aba! Ang FPJ’s Ang Probinsyano, na-extend na naman... kaya sana magawan ng paraan na mapahaba pa ang teledrama nina Bianca Umali at Kyline Alcantara!

NOEL FERRER: Congratulations! Handa na ba ang papalit sa KK?

Continue reading below ↓

Ang katapat yata nilang Halik ni Jericho Rosales ay handa na.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results