Si Kyline Alcantara na nga ba ang pinakabagong prinsesa ng Kapuso Network?

by PEP Troika
Jul 15, 2018

GORGY RULA: Wala pa namang kumpirmasyon mula sa GMA-7, pero ang latest na narinig ng PEP Troika, hanggang August 3 na lang daw ang Kambal Karibal, kaya ngayon ay pinag-iisipan na kung ano ang maaring mangyari sa pagtatapos nito.

Pero ang isa sa pinag-uusapan sa pagkatapos ng Kambal Karibal ay bibigyan na raw ng sariling drama series si Kyline Alcantara.


Continue reading below ↓

Napatunayan na kasi ang lakas niya sa mga manonood, kaya tama lang na siya na ang bida sa susunod na gagawing serye ng Kapuso network.

Tinanong namin si Kyline kung handa na ba ito maging bida sa isang drama series.

“I’m born ready,” mabilis niyang sagot nang nakapanayam namin kahapon, July 14 sa 6th Founding Anniversary ng District 5 ng QC na ginanap sa SM NOvaliches.

“Ready po ako sa lahat na mangyayari. Sabi ko nga po, bigyan nyo lang ako nang bigyan ng mga trabaho, I can manage myself," dagdag niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung mas nakaka-pressure ba ito sa kanya dahil siya na ang magbibida kung sakali?

“Siyempre po, napi-pressure po.

“Kung magkaroon man po ako ng next project na ako na po, I’m gonna promise po na pagtatrabahuan ko po talaga yun, and na-appreciate ko po talaga,” pakli ng Kapuso young actress.

Continue reading below ↓

Bukod sa Kambal Karibal, pinaghahandaan na ngayon ni Kyline ang first solo concert niya na nakatakda sa September 8 at gagawin sa Skydome.

Pinamagatan itong Kyline Take Fl16ht dahil kasabay na rin iyun ng 16th birthday niya at launch ng sarili niyang album.

JERRY OLEA: Hmmnnn, may bagong prinsesa ang Kapuso Network.

Sana, magbida rin siya sa pelikula para mas makilala pa siya ng fans.

Sinusundan ba ni Kyline ang mga yapak ni Barbie Forteza?

NOEL FERRER: I just saw an episode of Tonight With Arnold Clavio na guest si Kyline na in-embrace niya ang pagiging kontrabida.

Sa totoo lang, wangis kontrabida talaga siya.

Paano kaya mangyayari ang pagiging bida niya?

Well good luck Kyline.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results