Anne Curtis, naiyak dahil sulit ang lahat ng hirap niya sa BuyBust

by PEP Troika
Jul 16, 2018

GORGY RULA: Successful ang world premiere ng pelikulang BuyBust sa New York Asian Film Festival noong Linggo ng gabi, July 15, sa New York, USA.

Our Dyosa in New York Asian Film Festival! #BUYBUSTMovie #SidAndAyaNotALoveStory

A post shared by VIVA Films (@viva_films) on

Ayon sa reliable source ng PEP Troika na dumalo sa naturang pa-premiere, punung-puno ang SVA Theatre sa New York na mayroong mahigit 500 seats, kaya ang bilis daw na-sold out ang tickets at ang dami pa raw hindi nakapasok.

Ayaw raw kasi nilang magbenta pa ng additional tickets.


Continue reading below ↓

Pagkatapos ng screening, na umabot ng dalawang oras ang pelikula, humarap sa open forum ang mga bida ng pelikula na sina Anne Curtis at Brandon Vera, kasama ang direktor na si Erik Matti.

Hindi napigilan ni Anne na maluha nang magsalita ito dahil nasulit daw ang lahat na hirap niya sa pelikula.

First time niyang gumawa ng ganun katinding aksyon na pelikula, at hindi raw niya akalaing lumabas na ganun kaganda.

Pinuri at pinalakpakan siya ng mga nanood.

Sabi ni Anne, “I guess... that’s why I am so emotional.

"When you finally see of a hard work come to life and piece together, with the music and everything, it’s just so overwhelming to see of a hard work and how… it’s awesome.

"Thank you, Direk!"

Pagkatapos maipalabas ang BuyBust sa New York Asian Film Festival, ipalalabas din ito sa San Diego.

Sa August 1 naman ang showing dito sa atin.

Continue reading below ↓


Anne Curtis with Rex Belarmino of Reality Films and Ambra Batillana

NOEL FERRER: At heto pa ang magandang balita: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula kaya assured tayo na okey ang kalidad na ito base sa napagpasyahan ng CEB.

Ako mismo, excited na akong mapanood ito at mayroong premiere sa Trinoma na naka-sked sa July 23 at 7 p.m.

Continue reading below ↓

Magkita-kita tayo dun!

JERRY OLEA: Nawa’y tangkilikin ng masang Pilipino ang dekalidad na pelikulang gaya ng BuyBust.

Kasabay nitong ipapalabas sa local theaters ang comedy na Harry & Patty nina Ahron Villena & Kakai Bautista.

Ano ang laban ni Kakai kay Anne Curtis?

“I love Anne Curtis!” bulalas ni Kakai sa presscon nitong Hulyo 16, Lunes ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

“I love Anne Curtis, parehong malaki ang bunganga natin, and I love Anne Curtis!

“Siya talaga ang isa sa mga paborito kong artista, and sabi ko nga, ako, manonood ako [ng BuyBust].

“Excited ako, kasi, andun ang mga friends ko from theater.

“And... ganda, eh! Ganda! Pero sabi ko nga, iba yung tema ng movie nila sa movie namin.

“Kung mahilig sa aksyon ang mga tao, doon sila.

"Pero kung gusto nilang maging kilig-kilig, ganun, pa-cute, family-family, punta sila dito.

Continue reading below ↓

“O kung tapos na sila sa kilig-kilig, gusto nila ng aksyon, doon naman.

"Basta, suportahan nila parehas yung mga pelikulang Pilipino na ipapalabas.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results