Kakai Bautista, itinangging kinuwestiyon niya ang pagkalalaki ni Ahron Villena: "Lalaki siya!"

by PEP Troika
Jul 17, 2018

JERRY OLEA: Sa kainitan ng away nila noon ni Ahron Villena, tila may pahiwatig si Kakai Bautista sa sexual preference or orientation ng aktor.


“Ay, hindi! Hindi!” mabilis na pagtanggi ng 39-year-old Dental Diva nang mainterbyu namin matapos ang open forum sa presscon ng movie nila ni Ahron na Harry & Patty nitong Hulyo 16, Lunes ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC.

Continue reading below ↓

Sigurado ba siya sa pagkalalaki ni Ahron?

“Dati naman, alam ko naman!”

Nilagyan lang umano ng malisya ng mga taong makikitid ang utak ang kanyang pagsisiwalat noon.

Maigting na dagdag ni Kakai, “From the very start, alam ko kasi yung nakaraan niya. Alam ko yung background ng family.

"Kilala ko yung ganito niya. Kilala ko yung mga past girlfriend.

“So, ako, I embrace him... as he is.

"Kumbaga, iyon ang ibig kong sabihin. And I never said that word ‘gay.’

“Dinagdagan lang ng isang... ewan ko, ayoko nang banggitin yung nagsulat. Pero dinagdagan lang.

“And I have proof. I have proof... na hindi ko sinabi!” bulalas ni Kakai na pamuwestra-muwestra.

“Na wala akong sinabi na he’s gay.

"Because, kasi, unang-unang magsasalita na he is not, even before, sa mga friends ko, everyone who has known me and Ahron, never kong sinabi that he is.”

Continue reading below ↓

So, naniniwala siyang straight si Ahron?

“Lalaki siya. Lalaki siya!” tili pa ni Kakai na tila handang makipagkagatan sa kokontra.

“Lalaki siya... alam na alam ko iyan—lalaki siya!”

Napahalakhak si Kakai, “Ha! Ha! Ha! Ha! Lalaki siya! Akong bahala! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Sigurado ba si Kakai na babae siya?

Pagbibiro ng Dental Diva, “Ay, ako, lalaki ako talaga dati! Maganda lang yung pagkakagawa. Ha! Ha! Ha!”

Hindi naman siya siguro matsitsismis na lesbian dahil may tatlong moreno at guwapitong binata na nanunuyo sa kanya, di ba?

Sinakyan ni Kakai ang biruan, “Ay, naku! Babae pala ang gusto ko, ‘no? Nakakalokah! Basta po yun, lalaki po siya.”

Inamin ni Kakai na may lesbian na nagkagusto sa kanya dati, pero hindi siya pumatol dito.

Nakangiti niyang katuwiran, “Siguro, hindi ako handa. Hindi ako handa!”

NOEL FERRER: Sa pagmo-monitor ko ng naganap ng presscon ng AhKai movie kahapon, ramdam mo na elated sina Ahron at Kakai sa pagkakaroon ng starring role sa pelikula.

Continue reading below ↓

Nag-effort silang mag-step up para mapag-usapan at maging bibo sa harap ng press, pero parang hindi tumatagos ang positive and sweet vibe sa kanila.

Kasi, parang bawat sagot nila at may kicker na punchline.

This made the presscon facilitator na kapatid na Eric John Salut say, “Ninigyan na nga kayo ng chance para kiligin, pero laging may bali.”

Punchline kete punchline kaya parang aabangan mo kung paano nila ia-outwit ang isa’t isa.

Sana mali ako sa impression ko.

Alam kong, individually, may bait at may magandang hangarin ang dalawang ito, lalo na para sa kanilang pamilya.

Pero kahit sabihin nilang open at kumportable sila sa isa’t isa, parang they are always on their toes to say their version of their truths, at idinadaan yun sa kanilang pagpa-punchline at minsan, very forcing through na pagpapatawa.

Good na lang sa movie ng AhKai. It will come not just once, but twice. Good luck talaga!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: #gamitpamore #exploitpamore

Sabi nga ng isang kaibigan, “Scrape the bottom of the barrel.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results