BuyBust, hindi pa siguradong magiging opening film ng Cinemalaya 2018

by PEP Troika
Jul 19, 2018

NOEL FERRER: Bago magsara ang opisina kahapon, July 18, ay na-post sa CCP Cinemalaya website na ang BuyBust—starring Anne Curtis, Brandon Vera, Victor Neri, Joross Gamboa, Arjo Atayde, at marami pang iba—ang magsisilbing Opening Film ng 14th edition ng pinakaestablisadong indie festival ng ating bansa.


Pumayag na raw kasi ang direktor nitong si Erik Matti, knowing that Cinemalaya can give the film additional boost after it being the Closing Film of the New York Asian Film Festival at nakakuha ng magaganda reviews, lalo na sa Variety.

Continue reading below ↓

A few hours after, tinatanong na ng taga-production kung ano ang arrangement ng pagpapalabas ng BuyBust dahil nakasanayan nang libre ang showing ng Opening Film ng Cinemalaya, at may pa-tribute ito sa programa bago ang screening.

Pero dahil showing na ang pelikula sa August 1, iginigiit ng producers ang posibilidad ng pagbabayad para sa Opening Film screening nito.

Sa tingin niyo, okay bang magbayad ang mga manonood sa CCP ng Cinemalaya Opening Film kung BuyBust ito, o dapat na manatiling libre dahil ito na ang tradisyon and it might set a precedent sa mga susunod na taon?

Kung BuyBust na nga ang Opening Film sa August 3, ang tanong: dadayuhin kaya ng mga tao ang pagpapanood nito gayong puwede naman nang mapanood ito sa regular theaters?

What do you think, mga kapatid?

GORGY RULA: Okay lang yun kung may bayad ang opening film. Nagbabayad nga sa mga foreign films.

Ngayon nga lang mangyayari na makakasabay sa commercial run ang opening ng Cinemalaya.

Continue reading below ↓

Tingin ko, tatauhin pa rin iyan dahil solid ang audience ng Cinemalaya at tiyak dadagsa sila sa opening nito.

Sana matuloy na ito.

JERRY OLEA: Sa pagitan ng Cinemalaya at BuyBust, alin ang higit na nangangailangan?

Dahil hindi pumuwede ang Signal Rock ni Direk Chito Roño, nawalan ng makabuluhang indie film ang Cinemalaya.

Makakatulong sa BuyBust kung maging opening film ito ng Cinemalaya, pero meron na itong premiere night.

Kung hindi maatim ng Cinemalaya na may bayad ang panonood ng kanilang opening film, at ayaw pumayag ng BuyBust na libre ang kanilang screening, humanap na lang ang Cinemalaya ng ibang opening film.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results