Martin Nievera, ano ang ginawa sa Malacañang?

by PEP Troika
Jul 19, 2018

NOEL FERRER: Marami ang nagtaka kung bakit nagpunta sa Malacañang ang tatang kong si Martin Nievera.


Hindi naman kaila na bukod kina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padila, at Lani Misalucha, isa si Martin sa laging naiimbitahang mag-perform para sa Presidente.

Pero not this time.

Hindi rin ito political appointment.

Continue reading below ↓

Alam kong malaki ang puso ni Martin na tumulong, pero hindi siya yung tipong papasok sa politika.

Ang sagot ng kanyang business manager na si Joy Alonzo, “Yes, kapatid, we are featuring Spokesperson Harry Roque as guest on his talk show!”

At itong talk show na ito ay ang LSS: The Martin Nievera Show sa ANC.

Na-feature na sina Bato dela Rosa, Matteo Guidicelli, at iba pang personalidad sa mga naunang episodes.

Kayang-kaya iyan itawid ni Martin—hindi lang pang-showbiz, kundi pang-sports, panggobyerno, at pangkabuhayan pa!

Ang tanong, mapakanta kaya niya ang Presidential Spokesperson na mahilig sa microphone? Sana nasa tono siya!

GORGY RULA: Naintriga ang Malacañang Press Corps nang makita nila roon si Martin.

Akala ng iba may appointment si Martin kay President Digong.

Sa totoo lang, matagal na dapat magka-talk show si Martin.

Iyon daw ang isa nami-miss niyang gustong balikan.

JERRY OLEA: Ang sipag ni Martin, huh?!

Continue reading below ↓

At dedicated siya sa kanyang trabaho. Kung ano ang kailangang gawin, ginagawa niya.

Hanggang ngayon ay magiliw siya sa kanyang fans. Autograph kete autograph sa mga nagpapapirma. Selfie kete selfie sa mga nagpapalitrato.

Andali ring kausapin para mainterbyu!

We love Martin!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Martin Nievera
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results