Pagsasama nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa pelikula, magkaroon kaya ng isyu?

by PEP Troika
Jul 20, 2018

JERRY OLEA: Nang makumpirma na pasok sa MMFF 2018 ang pelikulang Fantastica ni Vice Ganda, lumutang na si Dingdong Dantes ang gaganap na prinsipe sa istorya.

Hindi iyon kumpirmado, at lumutang din na posibleng si Richard Gutierrez ang maging leading man sa movie.


Dahil lumutang din na si Maine Mendoza ang bet ni Coco Martin sa filmfest movie nila ni Vic Sotto, ang wish namin ay si Alden Richards ang makatambal ni Vice.

Continue reading below ↓

Wishful thinking lang iyon... or is it wistful?

Sa storycon ng Fantastica, inihayag na kasama sina Dingdong at Richard sa pelikula.

Paano ang billing nila?

Naalala namin na sa 2008 Bench underwear & denim show na Blackout sa Araneta Coliseum, naging isyu kung sino sa dalawa ang finale.

Maayos ang pakikitungo nina Chard at Dong sa isa’t isa, pero ang kani-kanyang kampo ay tila may “silent feud” or something.

Dapat pa bang maging isyu sa dalawang aktor ang billing samantalang ang bida ay si Vice, at marami pang ibang artistang kalahok sa filmfest entry na ito?

GORGY RULA: Puwedeng mali ako, pero sa pagkakaalam ko, si Richard ang prince sa pelikula.

Pero ang tanong dito: sino kaya ang mas may mahabang exposure at bigat ng role?

Diyan siguro nabibiyak ang ulo ng mga writer.

Tingin ko naman kasi diyan, walang problema kay Vice bilang si Fantastica, dahil siya naman ang bida rito.

Continue reading below ↓

First time kasing magsasama sa isang project sina Dingdong at Richard, na hindi nagawa ng GMA-7 nung nasa iisang network pa sila.

Kaya abangan natin kung masasagot ang mga katanungan ng karamihan kaugnay sa pagsasama ng dalawa.

Sino ang mauuna sa billing? Sino ang may ‘and’ sa pangalan?

Sino ang mas may mahabang exposure? Sino ang mas mabigat ang role?

Sino ang makakatuluyan ni Fantastica (Vice)?

Madalas ba ang pagsasama nila sa isang frame o wala silang eksena na magkasama? Kanino ang last frame sa ending?

Sa pagkaintindi ko naman, walang problema sa dalawang aktor.

Ang tanong: papayag ba ang kani-kanilang kampo?

Hindi ko pinangarap na rerepeke na naman ang bibig ni Tita Annabelle (ina ni Richard) na hindi naman siguro papatulan ni Perry Lansigan (manager ni Dingdong).

Sana huwag naman umabot sa ganun.

Alang-alang sa diwa ng Pasko, para mapasaya ang mga manonood sa Metro Manila Film Festival.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: We will follow developments on this Dingdong-Richard pairing sa Vice Ganda movie.

I guess people know who has become consistent sa stature, and I guess Star Cinema knows best on how to bill and treat these stars.

Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results