BuyBust, confirmed na bilang opening film ng Cinemalaya 2018 pero may bayad

by PEP Troika
Jul 21, 2018

NOEL FERRER: It's confirmed! BuyBust by the award-winning director Erik Matti, starring Anne Curtis, will be the Opening Film of Cinemalaya 2018, to be screened on August 3 (Friday), 6 p.m., at the CCP Main Theater!


The program will have the Cinemalaya Opening Ceremonies, followed by the screening of BuyBust (Graded "A" by the Cinema Evaluation Board) as Opening Film.

Continue reading below ↓

As per tradition in Cinemalaya for the past 14 years, ang opening event ay free admission dapat.

Pero napagkasunduan ng Viva (releasing arm ng BuyBust) at ng Cinemalaya na MAY BAYAD ang manonood ng Opening Film.

Sa mga may ALL ACCESS PASS kasama na ito sa presyo at pribilehiyo ng meron nito.

Sa iba naman, kailangang hintayin pa ang instructions ng CCP at pamunuan ng Cinemalaya tungkol dito.

Ang sipag nga ni Anne, dahil after New York at Korea, ratsada siya mamaya sa mall show ng BuyBust sa Fishermall and Ayala Feliz after; with Joross Gamboa, Tarek, and Arjo Atayde.

Exciting din ang gaganaping premiere night nito sa Trinoma on Monday.

Truly, here comes the BuyBust fever.

JERRY OLEA: Certified blockbuster ang Sid & Aya na pinagtambalan nina Dingdong Dantes and Anne Curtis.

Bet kaya ng local moviegoers ang maaksyong pelikula na babae ang pangunahing karakter?

Sa Hulyo 25 ay palabas na ang maaksyong pelikula ni Tom Cruise na Mission: Impossible Fallout na puring-puri ng mga kritiko. Malakas ang buzz nito.

Continue reading below ↓

Nawa’y maging mabenta ang BuyBust sa kabila ng Fallout.

GORGY RULA: Pagkatapos ng Sid & Aya, sana tuluy-tuloy ang lucky streak ni Anne Curtis.

Hindi lang swak sa commercial run, sa pangmasa, kundi pati sa mga indie film buffs.

Ibang-iba kasi itong BuyBust kay Anne dahil ngayon lang siya mapapasabak sa ganun kaaksyon.

Pero sa akting kaya, pasok din siya?

Malaki kaya ang nagawa ng akting ni Anne kaya nabigyan ng Grade A ng CEB?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results