Aicelle Santos, sinorpresa ng fiancé niyang si Mark Zambrano sa UK

by PEP Troika
Jul 23, 2018

NOEL FERRER: “Reunited and it feels so good!! Special shoutout to the cast of #MissSaigonUK for making the night extra special for Aicelle Anne Coronel Santos and me!! #AiMarkInUK”

Iyan ang sabi ni Mark Zambrano sa kanyang Instagram post.

Pagkatapos ng kanyang pagiging fight commentator ng Pacquio-Matthysse fight sa Kuala Lumpur, tumuloy si Mark sa UK para bisitahin ang girlfriend-fiancée na si Aicelle na gumaganap bilang Gigi sa Miss Saigon Touring Cast.

Nagulat si Aicelle sa sorpresa ni Mark at ang sabi niya, “Still can't believe you're here with me now mahal ko! I've been longing for this day. Mahal na mahal po kita @markzambrano! #amazinggrace #AinMissSaigon”

Dagdag pa niya, “Habang sigang naglalakad, nagtaka, nagtanong, nagulat (gulat na gulat!), nanlambot ang tuhod, naiyak! He's soooo good at surprises! I love you mahal ko!”

Mahaba-haba ang magiging pagsasama ng magsing-irog.

Continue reading below ↓

Tuloy lang ang buhay nila dun.

Sa August 4 pa ang weekly break ni Aicelle, at plano nila ni Mark na pumunta Edinburgh.

Magiging memorable ang pagdiriwang ng ika-41 kaarawan ni Mark dahil makakasama niya si Aicelle doon.

Sa August 17 pa nakatakdang bumalik si Mark sa Pinas.

JERRY OLEA: “Absence makes the heart grow fonder.”

Totoo ang kawikaang iyan kina Mark at Aicelle.

Sa kabila ng distanya nila sa isa’t isa nitong mga nakaraang buwan, nanatili ang init at tibay ng kanilang pagmamahalan.

Mabuhay!

GORGY RULA: Nabanggit noon ni Mark na sa pagdalaw niya kay Aicelle, pag-uusapan nila ang preparasyon ng wedding nila next year.

Medyo mahihirapan lang kasi si Mark dahil siya talaga ang mas maraming gagawin dahil nasa UK naman si Aicelle.

Totoo bang mai-extend pa doon si Aicelle? Ibabalita sa atin ni Mark iyan pagbalik.

Saya lang!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results