Misis ni Alfred Vargas, buntis sa kanilang pangatlong anak

by PEP Troika
Jul 23, 2018

JERRY OLEA: Fourteen weeks preggy ang amore ni Congressman Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu ng ikatlo nilang supling.

In-announce ito ni Alfred sa Instagram nitong Hulyo 23, Lunes, kasabay sa pagdiriwang nila ng church wedding anniversary.

Sabi pa ni Alfred sa IG, “Thanks for all the support and I would like to ask for your prayers for Yasmine’s healthy, safe and comfortable pregnancy as well as our third baby’s good health!”

NOEL FERRER: Congratulations kina Alfred and Yasmine at sa pamilya nila.

Nataon nga ito sa napapabalitang change sa Congress leadership at ang paghalili ni Gloria Macapagal Arroyo (GMA) bilang House Speaker.

Isa si Alfred sa mga batang kongresistang progresibo at may magandang hinaharap.

Magandang motivation ang mga anak niya para laging gumawa ng mabuti para sa nakararami nating kababayan!

GORGY RULA: Last week nabanggit iyan sa akin ni Congressman Alfred.

Nakiusap lang siyang huwag munang isulat dahil medyo maselan ang kalagayan ni Yasmine.

Continue reading below ↓

Ilang linggo siyang nasa hospital at naka-bed rest ito.

Humihingi siya ng dagdag panalangin na maging okay na ang kalagayan ni Yasmine.

Medyo okay na raw ngayon ang kalagayan ng asawa niya, kaya masaya siyang in-announce ito sa kanyang Instagram account.

Kailangan pa ring magpahinga ni Yasmine kaya hindi raw ito makakasama sa SONA mamaya.

Ang pagkakaalam ko, ang bunsong anak nilang si Aryana Cassandra ang isasama niya mamaya sa Congress.

Masayang kinuwento ni Alfred na itong ipinagbubuntis ni Yasmine ay produkto ng Disneyland cruise nila kamakailan lang.

Siyempre, gusto nila baby boy na sana. Pero kung girl ang ipagkakaloob ng Diyos, may tatlong Maria na raw siya.

Patuloy pa rin sa pagdarasal si Alfred na maging maayos ang kalagayan ng asawa niya dahil ito raw yata ang pinakamahirap na pagbubuntis ni Yasmine.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results