Victor Magtanggol ni Alden Richards, handa nang banggain ang Probinsyano ni Coco Martin

JERRY OLEA: Tampok sa telefantasyang Victor Magtanggol ang ilang karakter sa Norse mythology.

Andiyan si Loki (John Estrada), mapanlinlang na diyos na gustong makuha ang Mjolnir.


Ang Mjolnir ang hammer ni Thor (Conan Stevens), diyos ng kulog.

Andiyan din si Sif (Andrea Torres), diyosa ng pag-ibig at pamilya, huling asawa ni Thor.

Si Modi (Pancho Magno) ay anak ni Thor, at diyos ng digmaan.

Magiging karibal siya ni Victor Magtanggol (Alden Richards) aka Hammerman.


Si Magni/Magnus (Miguel Faustman) ay isa pang anak ni Thor, at tagapangalaga ng Mjolnir.

Bahagi ng istorya ang Asgard at Ragnarok.

Kabilang pa sa cast sina Coney Reyes, Eric Quizon, Freddie Webb, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin, Janine Gutierrez, Al Tantay, Dion Ignacio, Chynna Ortaleza, Lindsay Johnston, at Reese Tuazon.


Ipapalabas ang Victor Magtanggol sa GMA Telebabad simula Hulyo 30.

GORGY RULA: Sobrang todo ang suporta ng GMA-7 sa malaking project na ito ni Alden.

Lahat pinag-aralan, masusi ang research para kung may kumuwestiyon, kaya nilang sagutin.

Pero ang sabi ng isa sa mga cast nito, napakabait ni Alden. Napakapositibo niyang katrabaho.

Kaya positive lang, maganda raw ang kalalabasan nito.

Abangan natin iyan sa July 30.

NOEL FERRER: Mabait naman talaga si Alden kaya we wish him all the best!

Mahirap ang katunggali niya, isa nang pader—si Coco Martin at ang kanyang Ang Probinsyano.

One thing that worked for the toprating Probinsyano ay ito ay very-well made at laging nagre-reinvent.

Alden deserves no less than excellent support from fellow actors and the creative and technical staff.

Mahirap ang genre na papasukin niya, ang mala-fantasy na teleserye, kaya kailangang all out din ang network at hindi sila puwedeng magtipid.

Kaya nagwo-work at pulido ang Probinsyano ay dahil todo ang resources na pinakawawalan dito, kaya naman malaki rin ang balik.

Sana hindi lang maging kaaya-aya ang Victor Magtanggol, kundi excellent din tulad ng katapat nito. At hindi sa pilot week lang.

Diyan magmamarka ang bagong solo soap opera ni Alden na sabi nga niya na biggest break niya talaga.

JERRY OLEA: P100,000 ang ipina-raffle ni Alden Richards sa media conference bilang pampabuwenas!

15 ang winners ng P2K each.

10 ang winners ng P3K bawa’t isa.

Anim ang tig-P5K, at isa ang nagwagi ng P10K!

Mabuhay ka, Victor Magtanggol aka Hammerman!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN