Mikoy Morales, ayaw patulan ang video scandal diumano niya

by PEP Troika
Jul 25, 2018

JERRY OLEA: Lumabas ang scandalicious screen shots ng isang lalaki sa isang blog noong Hulyo 24, Martes.

Kabilang sa tags ng bata sa Batibot ang “actors,” pero hindi agad namin namukhaan iyon.

Sabi ng ilang nag-comment, si Mikoy Morales iyon.

Oh!


Si Mikoy Morales na runner-up sa Protege: The Battle for the Big Artista Break (2012)?

Continue reading below ↓

Ang 24-anyos na si Mikoy ay kasama sa Bubble Gang mula 2015, at naka-lips-to-lips ni Sebastian Castro sa indie movie na 4 Days (directed by Adolf Alix Jr.).

Nagbida sila ni Mikee Quintos sa Sirkus na bahagi ng Sunday Grande ng Kapuso Network.

Si Mikoy nga ba ang latest “bayologist” sa Bayabas Club?

NOEL FERRER: There it goes again.

Parang naging pag-ahon na sa anonymity na ang pagkakaroon ng video scandal.

Ang tanong ngayon: makakatulong kaya ito kay Mikoy sa pagpapataas ng stature?

Sa GMA stars, ano ba ang naidulot nito kina Mark Herras, Jeric Gonzales, and the likes?

Sayang, dahil imbes sa pag-a-attempt nitong maging seryosong aktor (even doing indie and stage productions), dito masesentro ang kanyang ilang minutes of fame.

GORGY RULA: Naka-text namin ang taga-GMA Artist Center na nagha-handle kay Mikoy Morales para hingan sana ng reaksiyon ang Kapuso talent, pero ayaw raw nito.

Sana maintindihan daw nating ayaw nang mag-react ni Mikoy.

Continue reading below ↓

Si Mikoy ang dating boyfriend ni Thea Tolentino, na minsan ding nasangkot sa video scandal pero kaagad nag-react at itinanggi ang kumalat na video. Mukha namang hindi si Thea yun, e.

Pero itong kay Mikoy, ayaw niyang mag-comment. Siya kaya yun? Ayaw niyang patulan, e.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results