Kampo ni Kyline Alcantara, umalma sa paratang na pang-aahas kay Miguel mula kay Bianca

by PEP Troika
Jul 26, 2018

JERRY OLEA: Sasapatusin ba ni Bianca Umali si Kyline Alcantara na co-star niya sa Kambal Karibal?

Ang paratang, inahas daw ni Kyline ang BF ni Bianca na si Miguel Tanfelix.


Kyline Alcantara and Bianca Umali

“No! Kyline is only 15 years! Hindi siya malandi! Wala pa sa isip niya ang makipag-BF!

Continue reading below ↓

"Ang focus niya, magpatayo ng bahay para sa kanyang pamilya!" maigting na pahayag ng isang kaibigang malapit sa pamilya ni Kyline na nakausap namin nitong Hulyo 26, Huwebes ng hapon, sa isang events place sa QC.

Ayon sa nasabing source, malapit si Miguel sa pamilya ni Kyline, pero hanggang friendship lang ang turingan ng dalawa.

Sabi pa nito, “Sa taping nila, binuhusan ni Bianca si Kyline ng tubig. Wala iyon sa script.

“Sinampal ni Bianca nang bonggang-bongga si Kyline. Wala rin iyon sa script.”

Ano ang drama sa likod ng sapatos?

Ayon sa aming source, hindi raw na-renew si Bianca ng isang show brand na inendorso, at si Kyline daw ang kinuha para maging bagong endorser.

Dagdag nito, “Ayaw niya ng mga nega-nega. Trabaho ang focus ni Kyline, para maabot ang mga pangarap niya.

"Mahal niya ang kanyang pamilya. Araw-araw, kasama ni Kyline ang kanyang ina at ama sa mga lakad niya."

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Hindi yata maganda kung tatapusin ang Kambal Karibal ng ganitong isyu.

Minsan ko pa lang na-meet at nakatsikahan si Kyline, mukhang mabait naman at ramdam ko ang sincerity sa kanya.

Pero matagal ko nang kilala si Bianca at wala akong nakitang kamalditahan sa kanya.

Mas mabuting hingan muna natin ng panig si Bianca bago siya kuyugin ng mga supporters ni Kyline.

Ano ang masasabi kaya rito ni Miguel na napapagitnaan ng kambal na intriga?

May masasabi kaya ang isa sa co-stars nilang si Pauline Mendoza, na dinig ko'y merong kinakampihan sa isa sa kanila?

NOEL FERRER: Sayang naman kung ito ang pag-uusapan tungkol sa kanila dahil mahusay na artista si Bianca (napanood ko siya sa Martial Law Special ng GMA with Alden Richards at Rocco Nacino).

Si Miguel, sana hindi mabansot ang career dahil sa love life at pagkaka-link sa isang upstart tulad ni Kyline.

In the end, water will find its level. Good luck!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results