Babaha ng magagandang movies ngayong August!

by PEP Troika
Jul 29, 2018

JERRY OLEA: “Cannibalism” sa lipon ng local movies. Iyan ba ang ibinadya ng Blood Moon noong isang gabi? O sumpa ng Ghost Month (Agosto 11-Setyembre 9)?

Halos dalawang dosenang pelikulang Pinoy ang ipapalabas sa Agosto 2018.

Agosto 1, magsasabong ang Buy Bust (Anne Curtis) at Harry & Patty (Ahron Villena & Kakai Bautista).


Continue reading below ↓

Agosto 3-12, magtatagisan ang sampung pelikula na magkakaiba ang “mga pakpak ng diwa” sa Cinemalaya 14.

Agosto 8, itatanghal na sa wakas ang Dito Lang Ako nina Michelle Vito, Jon Lucas, at Akihiro Blanco. (Isang araw lang ipapalabas ito?”)

Agosto 15-21, pasiklaban ang walong pelikula sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Agosto 22, magpapakitang-gilas ang Miss Granny nina Sarah Geronimo, James Reid, at Xian Lim. Patok sa fans ang istorya nito, na originally e likha sa South Korea, at may versions sa iba pang mga bansa. Papanoorin ko ito, pati ang kasabay nitong Crazy Rich Asians, kung saan may cameo si Kris Aquino.

Agosto 29, aarangkada ang The Hows of Us nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Trailer launch pa lang, wagi na. Poster reveal pa lang, nambulabog agad-agad.

NOEL FERRER: Maganda itong line up na ito na sana nga ay makapagpabago ng attendance sa Filipino movies.

Ghost month ngang maituturing, masasabi nating itong August ang nagbibigay sa atin ng hitik na harvest ng magagandang pelikulang Pilipino.

Continue reading below ↓

Kasalanan na natin kung hindi natin sila papanoorin at tatangkilikin.

GORGY RULA: Kung aariba ang mga indie films sa sinasabing Ghost month, sa TV naman ay kakaiba rin ang aabangan.

Bukas na magsisimula ang Victor Magtanggol ni Alden Richards na talagang ginastusan nang husto ng GMA-7, dahil malaki ang kumpiyansa nilang tatangkilikin ito kahit walang Maine Mendoza na kasali.

Maging positibo na lang daw sana lahat, at huwag nang i-nega dahil sabi nga ni Alden, alam niyang suportado rin ni Maine ang proyektong ito.

Sa ABS-CBN 2 naman ay may sisimulan silang Halik ni Jericho Rosales.

Sa August 6 naman ang Onanay ni Nora Aunor na mukhang interesting na tumatalakay sa kuwento ng isang taong may Achondroplasia,  na isang "bone growth disorder" na sanhi ng "disproportionate dwarfism," ayon sa HealthLine.com

Sa trailer pa lang, nakitaan na ng galing sa pag-arte itong ang 24-year-old showbiz newbie na si Jo Berry. Abangan natin itong mga bagong serye na may kakaibang kuwentong ihahain.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
The Hows of Us
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results