Young actress at young male singer, pang-showbiz lang ang relasyon?

NOEL FERRER: Pang-showbiz nga lang ba ang relasyon ng isang young actress at isang young male singer?

Sobrang tamis ng kanilang TV appearances noon, and since pareho namang performers ay hataw sila sa pagsu-song and dance.


Ngunit mukhang waley na si young actress at ng kanyang napapabalitang boyfriend.

Recently ay nagbakasyon daw mag-isa si young actress sa isang popular destination-vacation place, at inamin sa ilang kaibigan na nagkakalabuan sila ng kanyang kilalang boyfriend.

Bakit kaya? Hindi kaya sila ipinag-adya ni Lord?

O kailangan lang hanapin at kilalanin nang mabuti ang kanilang sarili bago pa man ang isa’t isa?

GORGY RULA: Kung may nagkabalikan, meron ding nagkalabuan?

Sasabay rin ba sila sa halos kaedad nilang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio?

Sa totoo lang, iyang relasyon nila ay mukhang bahagi rin ng career move.

Bata pa naman sila. Darating ang araw na makakakita rin sila ng nararapat para sa kanila at magbibigay ng inspirasyon.

Pero makakatulong ba kay young male singer ang pakikipagrelasyon kay young actress?

Mukhang umaariba naman ang career niya, dahil bukod sa nag-hit ang single niya, meron pa siyang bagong commercial ngayon kasama ang guwapong tatay niya.

JERRY OLEA: Palutang-lutang lang ang career ng young male singer at young actress.

Kung kani-kanino sila sinubukang itambal, at eksperimento rin lang ang kanilang love team na wala pa talagang napatunayan.

Tamis-tamisan man ang pakilig nila sa fans, pero ang pagkukunwari ay may hangganan.

Ang young actress ay may dine-date ngayon na sa pangalan pa lang ay bruskung-brusko na.

Ang young male singer ay masaya naman sa ka-chummy-chummy niya na kahit paano ay yummy.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN