Alden Richards, gusto nang magka-love life ngayong 2018

by PEP Troika
Jul 30, 2018

GORGY RULA: Mamayang gabi, July 30, ay huhusgahan na si Alden Richards sa kanyang Victor Magtanggol.


Dito magkakaalaman kung buo ang suporta ng AlDub fans kahit hindi kasali sa telefantasya ang ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza.

Sinasabi naman ni Alden na natitiyak siyang suportado ni Maine ang bago niyang telefantasya, at nandiyan pa rin naman daw ang AlDub love team.

Continue reading below ↓

Pero posible kayang magkaroon ng pagbabago kung sakaling ma-develop si Alden sa isa sa leading ladies niya sa seryeng ito?

Malabo naman kay Janine Gutierrez dahil may Rayver Cruz.

Ewan ko lang kay Andrea Torres, na sinasabi namang kung maaari ay mas gusto sana niya ng non-showbiz boyfriend.

Nakitaan kasi namin ng kakaibang chemistry sina Alden at Reese Tuazon nang nagkasama sila sa Magpakailanman, kaya nga na-bash din siya noon.

Ngayon ay kasama rin si Reese sa Victor Magtanggol at bagay sila tingnan.

Kung na-develop ang magandang friendship nina Alden at Maine, dito kaya kay Reese ay puwede siyang ma-link romantically?

Napangiti si Alden nang tinanong namin ito sa kanya sa nakaraang mediacon ng Victor Magtanggol.

“I never close my doors po when it comes to being romantically involved to my co-actors po.

"Pero I’m not closing my doors po to be romantically involved po outside showbiz,” safe na sagot ni Alden.

Continue reading below ↓

Pero posible kayang makahanap na ngayon si Alden ng babaeng magbibigay sa kanya ng inspirasyon?

“This year po, bakit hindi? Kailangan ko na po siguro bigyan ng time,” nakangiting pahayag ng bida ng Victor Magtanggol.

Sana raw ay hindi maging malamig ang Christmas niya ngayong taon.

Kahit punung-puno pa rin ang schedule niya at malaki ang time na ibinibigay sa Victor Magtanggol, gusto naman daw niyang subukang makipag-date ngayon.

Hindi naman siya nagmamadali, pero sana this year ay may mahanap na raw siya.

Alam naman daw niyang ibibigay sa kanya ni Lord kung talagang panahon na.

Sa ngayon ay inspired muna siya sa Victor Magtanggol dahil bukod sa siya ang bida, bahagi rin siya ng creative team, na ikinatuwa niya dahil mayroon siyang naiambag para sa lalong ikagaganda ng naturang telefantasya.

“Nakakatuwa po kasi they really listen to my voice. Hindi po yung sinabi lang na part ka ng creative, pero we will still do things on our way.

Continue reading below ↓

“Nagulat nga po minsan may ipinapakita sila sa akin na, 'Alden, okay ka ba dito? Alden, okay ba sa ‘yo ang costume, okay ba sa ‘yo yung script?'

"Which made me even love Victor Magtanggol more, kasi nabigyan po ako ng parang sense of ownership po, e,” seryosong pahayag ni Alden.

JERRY OLEA: Walang kinalaman ang telefantasyang Victor Magtanggol sa mga pelikulang Alyas Stella Magtanggol (1992, bida sina Rita Avila & Romnick Sarmenta) at Magtanggol (2016, bida si Tom Rodriguez bilang Juancho Magtanggol).

May konek ito sa diyos ng Norse mythology na si Thor... as in VicTHOR?!

Bisi-bisihan si Alden sa taping ng telefantasyang ito.

Sa palagay niyo ba ay may oras pa ang Pambansang Bae para gumawa ng pelikulang pagtatambalan nila ni Maine?

E, nag-storycon na ang MMFF 2018 movie na Popoy en Jack: The Puliscredibles kung saan kasama si Maine nina Vic Sotto at Coco Martin.

Kaya iyong mga umaasam ng bagong AlDub movie, nganga!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Using his own words, we will never close our doors to Alden.

At itong Victor Magtanggol ang acid test sa kanyang bankability at artistry, kaya good luck!

And I thank you!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results