Boy Abunda, naghahanap ng maaaring humalili sa kanya bilang King of Talk

by PEP Troika
Jul 30, 2018

GORGY RULA: Magkakaroon ng Talk Workshop na iku-conduct ng King of Talk na si Boy Abunda.

Kamakailan lang ay in-announce ni Kuya Boy ang binubuo niyang Talk Workshop na magsisimula sa August 3 hanggang 5.

Marami na ang nagrespondeng nangangarap siguro maging hosts.


Pero hindi naman daw ito sa hosting lang, kundi kung paano mo i-handle ang pagsagot sa Q&A sa isang contest o sa job interview.

Continue reading below ↓

Malaking bagay nga naman ito para ma-enhance lalo ang communication skills.

Exciting daw itong talk workshop na ito dahil dito mai-expose ang participants sa fundamentals on public speaking, sa hosting, at kung paano nga i-attack ang isang Question and Answer.

Sabi nga ni Kuya Boy, “Naniniwala ako sa kasabihang practice makes perfect.

“Kailangan ng preparation, practice, at patience.

"How do you ward off awkwardness, jitters habang nakatayo ka sa stage and presenting to the crowd that your idea is the best in the world?"

Dito rin daw sa kanyang Talk Workshop matututunan kung paano ka mag-conduct ng one-in-one discussion sa iyong boss sa workplace.

"How do you conduct a one-on-one discussion with your boss? How do you deliver spiels or craft questions? Lahat ng ito at marami pang iba, mai-explore sa Talk Workshop," dagdag niyang pahayag.

Sa totoo lang, ang dami na ngang gumagaya sa pinauso ng host ng Tonight with Boy Abunda na fast talk, at pati rin ang pagharap sa salamin.

Pero hindi nga lang yun, kundi marami pa para makuha mo ang confidence sa pagsagot sa harap ng maraming tao, o sa taong nakakataas sa iyo.

Gaganapin ang Talk Workshop sa Mezzanine Multifunction Hall, 106 BluPoint Building, Kamuning Road, Quezon City, na magsisimula ng 2 p.m. hanggang 8 p.m.

Continue reading below ↓

“I want to emphasize that each of us has the ability to talk.

"It is how we develop our talents in public speaking and how we utilize it that make the big difference," dagdag na pahayag ni Kuya Boy.

Sa mga interesadong maging bahagi sa naturang workshop, puwede silang tumawag sa office ng Asian Artists Agency, Inc. (AAAI), telepono 4054423 at 8554765 o kay Avel Juan sa 09772548424.

Puwede ring mag-email sa info@asianartistsagency.com.

JERRY OLEA: Sa lawak ng karanasan ni Kuya Boy ay abundant ang maibabahagi niya sa Talk Workshop.

Nag-iisa siya sa kanyang larangan at wala pang kinikilala bilang Prince of Talk.

Makabuluhan kasi ang mga sinasabi ni Kuya Boy bilang talk show host, hindi gaya ng iba na ang peg ay pagiging talakitok!

NOEL FERRER: Maraming nakaka-talk, pero iilan ang nakaka-talk with sense.

At diyan kayo puwedeng sanayin pa ni Tito Boy Abunda by teaching them form and, to some extent, substance.

Continue reading below ↓

Good luck sa pool of talk-ers and later, we hope we can all walk our talk!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Boy Abunda
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results