Mother Lily, malungkot dahil walang nakapasok na Regal movie sa MMFF 2018

by PEP Troika
Jul 31, 2018

JERRY OLEA: Dalawang pelikula ang idi-distribute ng Regal Entertainment para sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (Agosto 15-21).

Ang mga ito ay ang Signal Rock (bida si Christian Bables, idinirek ni Chito S. Roño) at Unli Life (bida sina Vhong Navarro at Winwyn Marquez, idinirek ni Miko Livelo).

Pero lungkut-lungkutan pa rin ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde...


Continue reading below ↓

“I feel so bad about the [December] festival. Hindi ako nakapasok,” matamang sambit ni Mother Lily nang makausap namin noong Hulyo 26, Huwebes ng hapon, sa Valencia Events Place, QC.

“The festival in December is more important...”

Ano ba ang next project ng Regal?

“Ang dami! Basta gawa nang gawa!” bulalas ni Mother Lily.

“Alam mo ba, hindi mo masabi, what’s going to happen to the showbiz now... Let’s just be positive, di ba?”

Nitong Hulyo 30, Lunes, nagpa-storycon ang Regal para sa pelikulang One Great Love, na pagbibidahan nina Dennis Trillo at Kim Chiu, sa direksiyon ni Eric Quizon.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Merong One True Love sina DongYan at Iza noon sa GMA Films, then heto naman ang One Great Love which is Eric Quizon’s follow up film sa kanyang successful na My 2 Mommies.

I know Regal will still try to submit entries for the December MMFF. Marami pa naman silang unreleased at ginagawang pelikula.

Last year, they had the successful Haunted Forest, ngayon meron naman silang ginagawa na Mambabarang na movie with some Star Magic artists.

Try lang nang try, at gawa lang nang gawa ng pelikulang tatangkilikin ng madla.

GORGY RULA: Malamang na mayroon namang makakapasok na entry ng Regal sa MMFF.

Sa dami ng ginagawa nila, malaki ang tsansang kasali pa rin sila sa MMFF ngayong taon.

Sa nalalapit na kaarawan ni Mother Lily, sana maalala siya ng ilang mga nakasamaan niya ng loob.

May ilan kasi diyan na sa kanya naman nanggaling at napalaki sila ng Regal, ngayon ay hindi na nila nabibigyan ng importansiya ang Regal matriarch.

Continue reading below ↓

Sa laki ng naiambag niya sa movie industry, nararapat lang na bigyan siya ng pagpapahalaga.

Gustung-gusto pa naman ni Mother na binibigyan siya ng pagkilala at parangal.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results