Pageant-crazy Pinoys, tiyak na dadagsa sa Thailand para sa Miss Universe 2018

JERRY OLEA: Macau, South Korea, Vietnam, at Thailand.

Sinabi ni Manong Chavit Singson na isa sa apat na bansang ito ang interesadong mag-host ng 67th Miss Universe pageant sa Disyembre.

Kaya natigalgal kami sa Facebook post ng isang talent agent ng bikini models early this July, na kesyo sa USA gaganapin ang timpalak.

Ewan kung saan hinugot ng hitad ang tsikang iyon, pero nitong Hunyo 31, Martes ng umaga, ay nagpatutsada sa FB ang isang kaibigan namin sa mga kumuha ng US visa alang-alang sa Miss U.

At iyon na nga... nagpa-presscon ang Miss U nitong Martes sa Bangkok, at kinumpirma ni Paula Shugart (presidente ng Miss Universe Organization) na sa ikatlong pagkakataon ay kokoronahan ang Miss Universe sa Thailand (ang bansang mahigpit na katunggali ng Pilipinas sa online voting).

Naunang ginanap ang Miss U sa Bangkok, Thailand noong May 8, 1992 at May 31, 2005.

Dalawa na ang Miss U ng Thailand—sina Apasra Hongsakula (July 24, 1965 sa Miami, Florida, USA) at Porntip Nakhirunkanok (May 24, 1988 sa Taipei, Taiwan).

Ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2018 ay si Catriona Gray.


NOEL FERRER: Sa wakas, may finality na ang paglaban sa Miss Universe ng kandidata nating si Catriona Gray, na inaasahan ng maraming Pinoy na maiuuwi ang korona.

At dahil malapit lang sa atin ang Thailand, I’m sure maraming mga kababayan natin, lalo na ang mga kaibigan nating in love sa Thailand, ang dadayo at manonood ng pageant, kesehodang abala na sila sa Christmas preparations.

Buti na rin lang pala at hindi na rin natuloy si Iza Calzado na magpakasal kay Ben Wintle sa Thailand dahil baka puro Sawasdee Ka na ang backdrop ng mga events.

In the end, love our own pa rin tayo!

Good luck, Catriona!

GORGY RULA: Post ni Catriona Gray sa kanyang IG account, "Sawasdee Ka Thailand!!! Sooo excited that the rumors are true and that it's finally official!!! @msuniverse to be held in Thailand, December 2018. So excited to go back to one of my favorite travel destinations!!"

Binati na rin si Catriona ng mga kapwa beauty queens na sina MJ Lastimosa at Valerie Weigmann.

Pawang positibong komento ang natatanggap niya na kakayanin daw niyang makuha ang korona.

Sana nga magandang Pamasko ito para sa gandang Pilipina.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN