Watch Now

Mark Neumann, rebelasyon ang pagiging komedyante sa Harry & Patty

by PEP Troika
Aug 1, 2018

JERRY OLEA: Nakakaaliw at nakakakilig ang Harry & Patty, na pinagbibidahan nina Ahron Villena at Kakai Bautista.

Deserving ng gradong B mula sa CEB (Cinema Evaluation Board) ang “happy-likula” ng taon.


“Walang pretensiyon!” masayang bulalas ni Direk Julius Alfonso nang makaharap namin matapos ang premiere night nitong Hulyo 31, Martes, sa The Block ng SM North EDSA, QC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simple ang daloy ng istorya, kung saan isyu na “not so beautiful” ang driver na si Patty, pero ano’t nainlab sa kanya ang pogilicious at yayamaning si Harry?!

Kinulam ba ni Patty si Harry? Sinapian ba si Harry ng masamang espiritu?

May sexual tension ang tambalang AhKai, kaya ang fans sa premiere ay sakay na sakay.

Perfect ang pagka-cast kay Arci Muñoz bilang ex-GF ni Harry na si Nika.

Revelation si Mark Neumann bilang kapatid ni Patty.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ganda ni Heaven Peralejo (love interest ni Mark) at mukhang may ibubuga.

Magagaling ang mga suporta na sina Bodjie Pascua, Soliman Cruz, at Carmi Martin.

Palabas na sa local theaters ang Harry & Patty (prinodyus ng Cineko Productions) ngayong Agosto 1, Miyerkules, kasabay ang BuyBust ni Anne Curtis.

NOEL FERRER: Mahal natin si Direk Julius Alfonso and we would just like to wish this movie well.

Kung bakit hindi ito nakasama bilang official entry sa Pista Ng Pelikulang Pilipino tulad ng Kusina Kings ay malalaman natin paglabas sa takilya mamaya.

At sa tingin ninyo, ano ang mas kikita sa kanila ng Kusina Kings?

Good luck sa Team Harry & Patty!

GORGY RULA: Bongga ang surprise ng pelikula na hindi puwedeng ikuwento.

Basta naaliw ako dun sa isang eksena ng guest nilang si Arci Muñoz na may nagtapat sa kanya na isang taong nagparetoke.

Huh? Kay Arci niya talaga ipinagtapat na nagparetoke siya? Doon ako natawa nang husto!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agree ako kay Sir Jerry na revelation nga dito si Mark Neumann.

May timing pala siya, at hindi na gaanong halata ang twang sa tagalog niya.

Puwede talagang pabalikin ni Mark ang nauso dati na mga guwapong komedyante.

Congratulations sa lahat na bumubuo ng Harry & Patty, lalo na kay direk Julius Alfonso at sa Cineko Productions.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results