JERRY OLEA: Nanlumo ako nang mabalitaang per day ang TF (talent fee) ng premyado at respetadong aktres sa isang dramedy movie.
Siyempre, para makatipid ang produksyon, binilisang matapos ang mga eksena niya.
Nang ipalabas ang pelikula... bonggabella!
Wagi sa takilya!
Kaya natuwa ako nang kunin si Premyado at Respetadong Aktres para sa isang teleserye na bongga ang production budget.
Kaso... matagal pa ang teleserye.
May mga pinaplantsa pang detalye.
Sa isang event movie na pagsasamahan ng dalawang sikat na artista, nagulat ako na may mga nagka-clamor para ilahok doon ang aktres. Hindi ko mawari kung bakit isasangkap doon si Aktres.
Sa storycon, ligwak ganern ang aktres... pero meron pa ring offer sa kanya para sa isang pelikula ng premyado at respetadong direktor, kung saan makakasama niya ang maraming artista na premyado rin at respetado.
Ang ganda ng role!
Hahamon at magpapakislap sa husay ng aktres... pang-award!
Kaso, nawindang ang line producer sa talent fee na gusto ng yayamaning manager ng aktres.
Taob ang production cost ng pelikula.
Presyong-ayaw ba iyon?
GORGY RULA: Totoo bang 8M ang hininging talent fee, at nagpatawad daw ng 7M dahil gustung-gusto raw ang role?
Maituturing pa ring indie movie yun, at kalahati lang yata ng hinihinging TF ang budget ng buong pelikula. So, presyong ayaw na 'yan!
Nakiusap ang line producer na huwag nang isulat. Pero gustung-gusto ko na sanang isulat kung sino itong nanghingi ng ganun ka-taray na talent fee.
Hindi na makatarungan 'yan sa panahon ngayon na walang katiyakan kung mababawi ba ang ipinuhunan sa proyektong ito.
Di ba ang producer nitong project ay kapatid naman ng dating nakatrabaho nitong aktres? Alam ko close sila, e. Hindi na ba sila okey ngayon kaya nagbigay ng ‘presyong ayaw’?
NOEL FERRER: Sayang ang role kasi bagay talaga sana sa aktres na makakatulong talaga sa kanya ang pagiging visible ngayon.
Basta maghihintay tayo ng pagkakataong maituwid ang lahat ng ito, pati na ang pananalita ng magaling na aktres na ito na hinahangaan natin, in all fairness!