Love team, di tuloy ang launching movie dahil sa matinding tampuhan

JERRY OLEA: Neither here nor there pa ang career ng magka-love team na young actor at young actress.

Hindi pa sila nagbibida sa teleserye. Madalas ay pansahog lang sila. Two of those, 'ika nga.

Pero nakitaan sila ng potensiyal ng producer at direktor, kaya gagawan sila ng launching movie.


Madaling ayusin ang schedule dahil hindi sila bisi-bisihan.

Mag-i-storycan na sana.

Kaso, may problema.

Sabi ng handler ng love team, “Direk, hindi po nila magagawa ang movie dahil matindi ang tampuhan nila. Hindi po nila kayang magtinginan sa isa’t isa...”

Muntik nang himatayin si Direk.

Tinanggal sa cast ang dalawa. Nakakuha agad ang production ng kapalit na bidang babae—isang beauty queen.

Ihinahanap pa ito ng leading man.

NOEL FERRER: Sa pagpapatuloy ng kuwento, nang mag-suggest naman tayo ng tunay na partner para sa beauty queen, ang sabi ni Direk, naghahanap sila ng iba.

Heto ngayon ang nakarating sa aking balita: Ang pinu-push sa produksiyon ay isang bagong lipat ng network ding so-so-actor dahil mula iisang kuwadra lang sila ng beauty queen.

Good luck at sana makayanan nilang mag-carry ng isang pelikula.

GORGY RULA: Bago pa lang kasi sa propesyong ito ang mga batang ito, kaya hindi pa nila kayang ihiwalay ang trabaho sa personal na isyu.

Ang daming artistang may pinagdaanan ang relasyon, pero nagagawa nilang magtrabaho na magkasama alang-alang sa career.

Pero kesa naman mabuking pa at magamit ang mga emosyon nila sa promo, mabuting huwag na lang.

Maganda sana, Sir Noel, yung suggestion mo na boyfriend ni beauty queen-actress ang kinuhang partner, at baka makatulong pa sa promo ng movie, di ba?

May chemistry kaya itong aktor kay beauty queen-actress?

Kung itutuloy nila ang ganung tandem, ewan ko lang, ha.

Ngayon pa lang naaamoy ko na kung saan ito pupulutin.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN