Aktres, ayaw nang ituloy ang paglipat ng TV network

GORGY RULA: Hindi na raw matutuloy ang pagpirma ng kontrata ng isang aktres sa lilipatan sanang network.

Ang kuwentong nakarating sa PEP Troika, nagtampo raw si aktres sa kanyang manager dahil hindi naasikaso nang mabuti ang paglipat niya ng network.


Pinilit lang daw siyang mag-guest sa isang programa sa lilipatang network na parang wala lang.

Hindi raw ito na-hype nang husto kaya ang feeling daw ng aktres, parang starlet lang ang dating niya.

Hindi raw maganda ang feedback kay aktres sa guesting na iyon.

Sinubukan daw ni aktres na kausapin si manager na sana ayusin naman ang paglipat niya dahil parang nagdadalawang-isip na siyang ituloy ito.

Hindi lang nagkaroon ng sapat na oras na magkausap sila dahil abala si manager sa ibang trabaho.

Kaya pinag-iisipan na ngayon ni aktres na huwag nang ituloy ang paglipat sa katapat na network at maghanap ng ibang manager.

Nakiusap din ang aktres sa dating mother studio na kung puwedeng tanggapin siya uli.

Ang latest na nabalitaan namin, nag-tape na siya sa isang drama anthology kung saan maganda raw ang role ng aktres.

Si aktres daw ang nag-ayos ng guesting niyang yun, at kinu-consider na rin niyang kuning manager ang isang kaibigan na tumulong sa kanya.

Aalis na raw talaga siya sa kasalukuyang manager.

Tinext namin si manager para klaruhin ang kuwentong iyon.

Sabi ni manager, kapi-pictorial lang daw ng aktres sa opisina niya kahapon at may kontrata pa raw ito sa kanya.

Aware daw siyang ayaw na ng aktres na ituloy ang paglipat, kaya pag-uusapan pa raw nila.

Pero nasa ibang bansa pa si manager at mas marami pang pinagkakaabalahan.

Pagbalik daw niya ay pag-uusapan nila ng aktres kung ano ang plano sa career nito.

Kaya lang, ayon sa ilang taong malapit kay aktres, gusto na raw talaga niyang magpa-release sa kasalukuyang manager at hindi na raw niya lalayasan ang network na nag-discover sa kanya.

NOEL FERRER: I was there in this actress’ home network noong minsang bumisita siya at nakita ko kung paano siya alagaan ng mga ito.

I guess dapat niyang makita kung ano na ang nangyari sa mga kapanabayan niyang lumipat sa kabilang network.

At mukhang maingat at slow burn din sila at hindi basta-basta nagpapapirma ng exclusive guaranteed contracts.

Lumang style na rin ang mag-guest muna sa kalabang network and rock the boat. Hindi na kinakagat iyan ng mga network.

The good thing, and the cardinal rule always, is don’t burn bridges.

If you have to cut ties, cut clean. Don’t burn bridges.

JERRY OLEA: Ang sabi noon ng aktres, magpapahinga muna siya para mabigyan ng sapat na panahon ang kanyang mga mahal sa buhay.

Dapat lang na kumilos ang aktres ayon sa kanyang ganda.

Huwag siyang magmaganda nang wala sa lugar!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN