Sharon Cuneta at Richard Gomez, tuloy na tuloy na ang pagsasama muli sa pelikula

by PEP Troika
Aug 12, 2018

NOEL FERRER : Tuluy na tuloy na ang 30th anniversary film ng love team nina Megastar Sharon Cuneta at ni Mayor Richard Gomez!

Nagkita na ang dalawa sa meeting at storycon sa Star Cinema ngayong hapon, August 12.


Una silang magtambal sa pelikulang Buy One, Take One (1988) na sinundan ng Kahit Wala Ka Na (1989), Ngayon at Kailanman (1992), at Kapantay Ay Langit (1994) sa Viva Films.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ay gumawa sila ng paborito kong pelikula nilang “Minsan Minahal Kita” (2000) sa Star Cinema.

Pagkatapos ng kanilang huling tambalan sa pelikula, sa Walang Kapalit (2003) ng Viva Films, reunited ang ShaGoms love team via a new Star Cinema film to be directed by Cathy Garcia Molina with a young superstar.

Sa pagkakaalam ko, pupunta muna ang Tatang Goma ko bilang lead delagate sa Asian Games at pagkabalik niyaa, ready na siya sa shooting ng kanilang pelikula ni Mega.

Basta, matagal kong ipinagdasal ito.

At maging si Congresswoman Lucy ay masaya at boto sa development na ito nang huli ko siyang nakausap.

Good vibes lang talaga!

JERRY OLEA: Oh, yes!

Nang makausap natin si Mayor Richard Gomez sa 2nd Piña Festival ng Ormoc City noong Hunyo 24, gusto niyang magtambal na silang muli ni Sharon Cuneta sa pelikula.

Tila ipinahiwatig (Easter egg?) na iyon ng “ShaChard” tandem nina Sasha (Kris Aquino) at Richard (John Estrada) sa Star Cinema movie na I Love You, Hater.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results