Dingdong Dantes, tahimik na pagkatapos mag-apologize ng Ang Probinsyano

GORGY RULA: Sinubukan ng PEP Troika na hingan si Dingdong Dantes ng sagot sa inilabas na public apology ng production team ng FPJ's Ang Probinsyano.


Idinaan namin sa manager niyang si Perry Lansigan ng PPL Entertainment kung gusto pa ba itong sagutin ng aktor.

Tanungin daw niya muna ang alaga niya kung may reaksiyon ba ito.

Nang nag-follow up kami kaninang umaga, August 15, sinabi ni Perry na napagdesisyunan nilang huwag nang maglabas ng statement o sagot si Dingdong sa public apology na inilabas ng Ang Probinsyano.

Sabi ni Perry, tama na raw na sa public apology na magtapos ang isyu.

NOEL FERRER: Issue closed. Apology done and accepted. Let it not happen again.

Ganito kaImportante ang role ng social media. To call on people who are doing something wrong.

Sana meron ding effort in calling out those who are doing something right. Para balanse lang.

And paranmas positive reinforcement naman ang maghari.

Peace and Love and Good Vibes to everyone!

JERRY OLEA: That’s it, pancit!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN